Balita

Irving, pinagmulta

-

NEW YORK (AP) — Awas sa suweldo ang bawat pagliban ni Kyrie Irving sa Brooklyn Nets.

Nitong Biyernes (Sabado sa Manila), pinagmulta ng NBA ang AllStar guard ng US$50,000 (P2.4 milyon) dahil sa paglabas sa ipinatutup­ad na ‘health and safety protocols’.

Ayon sa NBA, papayagan siyang makabalik sa gawain ng koponan sa Sabado (Linggo sa Manila) – ngunit hindi siya papayagang maglaro sa laban ng Nets.

Iginiit din ng liga na babawasan ang kanyang suweldo sa bawat mintis niyang maglaro sa loob ng limang araw na quarantine na ipinataw sa kanya. Hindi nakalaro si Irving sa huling dalawang laro kung saan pinagmulta siya ng US$900,000 sa kabuuang US$33.5 milyon na suweldo.

Kabuuang limang laro ang iniliban ni Irving sa Nets dahil umano sa ‘personal matter, ngunit kumalat sa social media ang video kung saan nakita siyang nakikipags­aya sa mga kapamilya na walang suot na face mask.

Batay sa league's protocols, pinagbabaw­alan ang lahat na dumalo sa anomang uri ng indoor social gatherings na kinabibila­ngan ng 15 o higit pang katao, gayundin ang magtungo sa bars, lounges, clubs at iba ang establisiy­emento sa pakikipags­osyalan.

Si Harden ang ikalawang player na pinagmuta dahil sa naturang isyu. Nauna ang kanyang bagong teammate na si James Harden.

"Without a doubt, the organizati­on's disappoint­ed with not having any one of our players, in this particular case Kyrie, not amongst us, not in the trenches with us and so forth," pahayag ni general manager Sean Marks.

So I don't want to speculate and say why he's out and so forth. I've had conversati­ons with him and I'll continue to have conversati­ons and we look forward to him being back in the gym, where he will address this," he said.

Nitong Disyembre, pinagmulta si Irving ng US$25,000 nang tumangging makipag-usap sa official media interview sa preseason.

Samantala, nagpositbo sa COVID-19 si Minnesota star KarlAnthon­y Towns.

Ipinagpali­ban ang laro ng Timberwolv­es at Memphis Grizzlies bilang pagtalima sa health and safety protocols at nagsagawa ng contract tracing ang NBA.

"Prior to tonight's game, I received yet another awful call that I tested positive for COVID," pahayag ni Towns, ikalawang player sa Wolves na nagpositib­o sa virus.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines