Balita

Pagpapamal­as ng pananampal­ataya sa panahon ng pandemya

-

ANG taunang Traslacion ay matagal nang malaking bahagi ng Pista ng Itim na Nazareno na idinadaos tuwing Enero 9, bilang paggunita sa pagbabalik ng imahe mula Intramuros patungo sa dambana nito sa Simbahan ng Quiapo. Ngayong taon, kinansela ang malawakang prusisyon sa panganib na magdulot ito ng pagkalat ng nakamamata­y na COVID-19 pandemic na kumakalat sa mga malalaking pagtitipon.

Nagdaos pa rin ng misa bagamat kakaunti—30 porsiyento ng kapasidad—ang pinapayaga­n sa loob ng simbahan. Daan-daang deboto ang nag-tiyaga na maghintay sa labas ng simbahan sa Plaza Miranda, lahat nakasuot ng face masks at magkakalay­o sa isa’t isa ng isang metro, bilang pagsunod sa panuntunan ng pamahalaan hinggil sa mga pagtitipon. Habang ang libu-libong iba pa ay nakinig na lamang ng misa sa pamamagita­n ng malalaking screens at sound systems habang nakatayo sa Quezon Ave. haggang sa bahagi ng Recto Ave.

Pinangunah­an ng bagong Apostolic Nuncio to the Philippine­s, Charles Brown, ang isang misa sa Quiapo Church nitong Linggo at nakita niya ang libu-libong tao na nasa simbahan at mga lansangan, na napasabi na “[he was] blown away” sa paniniwala at pagiging relihiyoso ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

“As all of you know, in many parts of the world, the Catholic faith is maybe being practiced with less intensity than it once was,” aniya. “But here in the Philippine­s, when you witness feasts like the Black Nazarene’s, it is still deeply felt here and that’s beautiful.” Dapat niyang masaksihan ang milyon-milyong deboto na muling sasama sa Traslacion kapag natuloy na ito sa susunod na taon matapos ang COVID-19 pandemic.

Nakansela ang lahat ng ibang pagdiriwan­g ng pista sa mga simbahan sa buong bansa dahil sa pandemya na lumalagana­p sa mundo sa pagtitipon-tipon. Sa loob ng apat na araw ngayong buwan—Enero 8-11—idinaos ang Novena Masses para sa Fiesta Senor ng 2021 sa Basilica Minore de Sto. Nino de Cebu. Ngunit sa pagdagsa ng mga tao, inanunsiyo ng mga paring Augustinia­n ng basilica ang kanselasyo­n ng nalalabing physical novena masses, na papalitan na lamang ng virtual o online masses para sa Fiesta Senor ngayong Linggo, Enero 17.

Nasaksihan ng taong 2020 ang kanselasyo­n ng maraming panrelihiy­ong tradisyon –ang Mahal na Araw noong Abril, ang maraming pista na pagpupugay sa mga santo at ang tradisyuna­l na Marian procession­s tuwing Mayo, ang pagbisita ng mga tao sa sementeryo tuwing Nobyembre para sa Undas.

Sa kabutihang-palad, niluwagan ng pamahalaan ang restriksyo­n pagsapit ng Disyembre upang makapagdiw­ang tayo ng Simbang Gabi hanggang sa Bisperas ng Pasko na nagtatapos sa Araw ng Pasko.

Sa madilim na mga araw ng pandemya, nanatiling matatag ang pananampal­ataya ng mga Pilipino. Umaasa tayo ngayong taon, na matatapos na ang COVID-19 pandemic at bagamat malamang na hindi tayo makabalik sa normal na buhay na ating nakagawian, nawa’y masaksihan natin ang pagsigla ng buhay ng bansa, at kasabay nito, ang malawak na pagpapamal­as ng pananampal­ataya, sa pagbisita ng mga tao sa simbahan upang ipagdiwang ang pagwawakas ng madilim na panahon ng COVID-19 pandemic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines