Balita

Widodo nagpabakun­a na, PRRD una ring magpapabak­una?

- Bert de Guzman

PINANGUNAH­AN ni Indonesia President Joko Widodo ang pagbabakun­a (first shot) ng Sinovac's COVID-19 vaccine na ginawa sa Merdeka Palace, Jakarta noong Miyerkules.

Aprubado ng Indonesia ang bakunang gawa sa China para sa kanilang mga mamamayan.

Nauna nang nagpabakun­a sina Queen Elizabeth at asawang si Prince Philip ng Great Britain, pero hindi Sinovac ang itinurok sa kanila. Maging si Pope Francis ay nagpaturok na rin upang hindi mahawa ng coronaviru­s.

May mga nagtatanon­g kung sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas, mauuna rin si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa pagbabakun­a tulad ni Widodo.

Habang sinusulat ko ito, hindi ko pa naririnig ang pahayag ni presidenti­al spokesman Harry Roque.

Pero parang may narinig ako sa radyo na itinatanon­g daw ng ating Pangulo kung puwede siyang bakunahan ng Sinovac at ng bakunang gawa sa Russia. Kung gayon, handa si Mano Digong na paturok ng kahit anong uri o brand ng vaccine sa paniniwala­ng ang efficacy o bisa nito ay pare-pareho lang.

Sa balita noong Huwebes mula sa isang English broadsheet, ganito ang nakasulat: " Rody vouches for Sinovac, lets LGUs get any vaccine." Kung gayon, talagang ready and willing si PRRD na magpabakun­a gamit ang Sinovac.

Sa pagpapatun­ay sa bisa o efficacy ng Chinese-made vaccines, sinabihan niya ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na sila ay malayang bumili ng ano mang brand o uri ng bakuna basta may drug regulatory approval o aprubado ng Food and Drug Administra­tion (FDA).

Welcome rin kay Pres. Rody ang pagsisikap ng mga pribadong negosyo na kumuha o bumili ng vaccines hindi lang para sa kanilang mga empleado kundi para tulungan din ang gobyerno sa cold chain logistics requiremen­ts sa pagdadala ng mga bakuna sa Pilipinas. "If they can buy outside government structures, eh di mas maganda," sabi ni Duterte.

Inaako niya ang buong responsibi­lidad sa kaligtasan at bisa ng bakunang gawa sa China na gagamitin ng pambansang gobyerno sa mga Pinoy dahil ang bakunang gawa sa bansa ng kaibigang Pres. Xi Jinping ay kasing-husay lang din ng mga bakuna na gawa sa Western countries.

Iginiit ng Pangulo na hindi pinipilit ng administra­syon ang sino man na sumama sa paniniwala ng gobyerno. "Kung ayaw ninyo, OK lang, walang problema. You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo. Hindi kami makialam," pahayag ni PRRD noong gabi ng Miyerkules patungkol sa concerns o alalahanin ng mga LGU official.

May mga local government unit na nag-iipon at naglalaan na ng mga pondo para sa pagbili ng mga bakuna para sa kanilang constituti­ents o nasasakupa­n. Higit nilang gusto ang bakunang gawa sa US at sa Europe kumpara sa Sinovac na gawa sa China.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines