Patas na access sa bakuna ang kailangan pagtuunan –WHO
GENEVA, Switzerland – AGARANG pinagtutuunan ngayon ng World Health Organization (WHO) ang pagsisiguro na lahat ng bansa sa mundo ay magkakaroon ng access sa bakuna sa isang “equitable basis”, pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Sa 6th Meeting of the Emergency Committee on COVID-19, nabanggit ni Tedros ang dalawang agarang isyu ngayon—ang naging pag-usbong kamakailan ng bagong variants ng SARS-CoV-2 virus at ang potensiyal na paggamit ng vaccination at testing certificates para sa mga international travel.
“I’m sure, like me, your main hope and wish for 2021 is that together we can end the pandemic and help to restore a sense of normalcy in all countries. The rollout of vaccines is of course giving all of us hope of light at the end of the tunnel,” aniya.
Bingyang-diin niya na “we are all in this together, and we must all come out of it together.”
“Now is the time to set up sustainable response strategies and to measure and monitor the impact of interventions so that we will be able to learn and benefit in the future,” giit pa ng WHO chief.
Unang idinaos ang Emergency Committee on COVID-19 noong Enero 22-23, 2020.
Noong Enero 30 ng nakaraang taon, matapos ang ikalawang pagpupulong nito, idineklara ng WHO chief na ang outbreak ng sakit ay nangangailangan ng Public Health Emergency of International Concern.
Mula noon na mahigit 90 milyong kaso na ang naiulat sa WHO, kasama ang halos 2 milyong pagkamatay sa sakit.
Habang patuloy na naghihirap ang mundo sa pagpuksa sa pandemya, nagsisimula na ang vaccination programa sa ilang bansa na may already-authorized coronavirus vaccines.
Samantala, nasa 236 candidate vaccines ang patuloy na binubuo sa mundo—63 sa mga ito ang nasa clinical trials na—sa mga bansa kabilang ang Germany, China, Russia, Britain at United States, ayon sa impormasyong inilabas ng WHO nitong Enero 12.