Balita

Mga Manilenyo, hinikayat na magpa-swab test

- Mary Ann Santiago

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapaigt­ing pa ng kampanya ng lokal na pamahalaan para mahikayat ang mga Manilenyo na magpasaila­lim sa swab testing, partikular na yaong kababalik lang ng Maynila mula sa pagbabakas­yon sa labas ng lungsod nitong katatapos na panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Moreno, nananatili namang libre ang swab tests na ipinagkaka­loob ng local health authoritie­s sa iba’t ibang lugar sa Maynila at iniaalok ito, hindi lamang mga nag- iisip na exposed sila sa virus carrier, kundi maging sa mga taong nais na magkaroon ng kapayapaan ng isip.

Sinabi ng alkalde na sa kasalukuya­n ay mahigit 64,000 libreng swab tests na ang naisagawa ng lungsod at tiniyak na magpapatul­oy pa ito sa mga susunod na araw.

Katunayan, aniya, ang libreng swab tests via drive-thru ay sisimulan na ring ipatupad ng Manila City government sa Lunes at ang testing site nito ay sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Ani Moreno, sa 64,000 swab test na kanilang naisagawa, 31,000 ang public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Patuloy rin aniya nilang dinadala ang libreng swab tests sa mga tahanan ng mga residente, sa pamamagita­n ng programa ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Poks Pangan.

Nabatid na sa ilalim ng naturang programa, ang mga health personnel ay nagtutungo sa mga barangay sa lungsod at nagsasagaw­a ng swab testing para sa mga nais mag- avail nito.

Dagdag pa ng Mayor, ngayon ay hinahanap ng mga personnel ng MHD ang mga taong nagbakasyo­n nitong holiday sa kanilang mga lalawigan at bumalik na sa Maynila.

Samantala, pinuri rin ng alkalde si Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso dahil sa mabilis nitong pag-aksiyon sa kaso ng isang 50-anyos na lalaki na napaulat na naniniraha­n sa isang abandonado­ng tricycle.

Ayon kay Moreno, ang naturang lalaki ay dinala ng grupo ni Fugoso sa Delpan

Quarantine Facility kung saan muna siya isinailali­m sa swab test bago tinulungan­g makauwi sa Samar.

Sinabi ni Fugoso na si Barangay 333 Chairwoman Theresa Cortez ang nagreport ng insidente sa kanya at kaagad naman nila itong inaksiyuna­n at tiniyak na makakauwi ng ligtas ang lalaki sa kanyang pamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines