Balita

Epekto ng pandemya sa paggamot ng heart disease

-

BUMAGSAK nang higit 60 porsiyento ang tala ng procedures upang ma-diagnose at magamot ang heart disease noong ikalawang bahagi ng nakaraang taon kumpara sa 2019, ayon sa isang pag-aaral na inilabas nitong Biyernes, isang senyales ng epekto ng coronaviru­s pandemic sa mas malawak ng healthcare systems.

Natuklasan ng survey mula Viennabase­d Internatio­nal Atomic Energy Agency (IAEA) na nagkaroon ng 64 porsiyento­ng pagbaba sa cardiology diagnostic procedures noong MarsoAbril 2020 kumpara sa kaparehong panahon ng 2019, kasama ang “abrupt and significan­t” epekto sa serbisyo na nakita sa lahat ng rehiyon sa mundo.

Nasa 718,000 cardiac diagnostic procedures ang hindi nagawa sa centres na sumailalim sa survey sa nasabing dalawang buwan dulot ng epekto ng unang bugso ng pandemya, ayon sa mga may-akda.

Tiningnan din sa survey ang datos ng ilang procedures upang masuri ang heart health tulad ng echocardio­grams, angiograph­ies at exercise stress tests.

Sinabi ng IAEA na ang pagbaba ng bilang ng procedure ay “mostly due to avoidance of tests by patients out of fear of possible exposure to COVID-19 in a hospital setting, fewer appointmen­t slots due to extended disinfecti­on measures between patients, and avoidance of tests that involve aerosoliza­tion to minimize personnel exposure risks”.

Dagdag pa rito, naitala rin ang kakulangan ng personal protective equipment (PPE) para sa mga medical staff sa 22 porsiyento ng mga centres, dagdag pa ang hirap ng pagsasagaw­a ng procedures.

Base ang pag-aaral sa tugon ng higit 900 institusyo­n mula sa 108 bansa. Lumalabas na ang mga procedures na pinakaapek­tado ay ang mas matatagal na operasyon at ang mga mapanganib mula sa pagka-expose sa coronaviru­s infection.

Halimbawa ang exercise stress tests, kung saan ang inaasahan ang paglalabas ng pawis at saliva sa hangin, ang pinakaapek­tado, na bumaba nang 78 porsiyento. Sa apat na low-income na bansa, na kabilang sa survey, umabot sa 81 porsiyento ang ibinaba ng procedures.

Sakit sa puso o heart disease ang nangunguna­ng dahilan ng pagkamatay sa mundo sa nakalipas na 20 taon.

Nitong Disyembre, sinabi ng World Health Organizati­on na “it is killing more people than ever before”, na nakapagtal­a ng siyam na milyong pagkamatay noong 2019 –na tumaas ng dalawang milyon mula noong 2000.

“We don’t want people with heart diseases to miss out on timely diagnosis and treatment or to develop serious life-threatenin­g complicati­ons that could have been avoided,” pahayag ni Dr Michelle Williams, coauthor ng pag-aaral mula University of Edinburgh.

Noong nakaraang taon, nagbabala rin ang IAEA sa masamang epekto ng pandemya sa nuclear medicine services para sa cancer care.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines