Balita

Bucks at Celtics, umarya

-

MILWAUKEE (AP) — Naisalba ng Bucks ang malamyang free-throw shooting ni Giannis Antetokoun­mpo at sinandigan ng dalawang three-pointer ni Khris Middleton sa krusyal na sandali para gapiin ang Dallas Mavericks, 112-109, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Umusad ang Bucks sa 9-4 matapos ang ika-apat na sunod na panalo at tuldukan ang four-game winning streak ng Mavericks. NKumana si Giannis ng 31 puntos at nag-ambag si Middleton sng 25 puntos.

Nanguna si Luka Doncic na may 28 puntos at 13 assists sa Dallas, habang tumipa si Tim Hardaway Jr. ng 22 puntos.

CAVS 106, KNICKS 103

Sa Cleveland, napantayan ni Andre Drummond ang career high na 33 puntos at humugot ng 23 rebounds, habang tumipa si Cedi Osman ng 25 puntos sa panalo ng Cavaliers sa New York Knicks.

Naitala ni Drummond ang unang 30-20 game para sa Cavs mula nang maitala ni Carlos Boozer ang 32 puntos at 20 rebounds laban sa Seattle noong Jan. 20, 2004. Kumana rin siya ng tatlong assists, dalawang blocks at dalawang steals para tuldukan ang losing streak ng Cleveland sa tatlo.

Hataw sa Knicks sina Julius Randle na may 28 puntos at anim na assists, habang kumana sina rookie Immanuel Quigley ng season-high 23 puntos at R.J. Barrett ng 20 puntos sa ikalimang sunod na kabiguan ng New York.

CELTS 124, MAGIC 97

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna nina Jaylen Brown na may 21puntos at Semi Ojeleye na may 18 puntos, ang Orlando Magic.

Kumana rin sina Jeff Teague ng 17 puntos at rookie Payton Pritchard ng 16 puntps para sa ikalimang sunod na panalo ng Boston.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines