Balita

Police force, iniimbesti­gahan sa extortion

- Aaron Recuenco

Iniimbesti­gahan na ngayon ng pulisya ang buong puwersa ng Binangonan Police Station sa Rizal kaugnay ng posibleng pagkakasan­gkot sa nabunyag na systematic extortion activities kasunod ng pagkakaare­sto ng dalawang civilian assets nito sa isang entrapment operation sa harap ng municipal hall, kamakailan.

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Debold Sinas, kabilang sa iniimbesti­gahan ang hepe ng Binangonan Police na si Lt. Col. Ferdinand Ancheta sa usaping command responsibi­lity matapos kilalanin ng complainan­t ang anim sa kanyang tauhan na pumupuwers­a kanya na magbigay ng pera kapalit ng pagpapalab­as ng na-impound na sasakyan nito.

Ang tinutukoy na mga pulis ay sina Senior Master Sgt. Randy Andanar; Staff Sgts. Joel Acosta at Joe Sevillena; Corporals Allan Alvarez, Marson Tabayan at EW Armesnis.

“I will not let this incident pass without implementi­ng appropriat­e criminal and administra­tive action against those involved,” sabi ni Sinas.

Nilinaw naman ni Col. Thomas Frias, hepe ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcemen­t Group (IMEG), naglunsad ng operarasyo­n ang mga tauhan nito matapos makatangga­p ng reklamo mula sa complainan­t kaugnay ng pangingiki­l sa kanya ng ilang tauhan ng Binangonan Police.

Kinilala ni Frias ang dalawa na sina Albert Domingo, alyas Joel; at Pablo Dolfo, alyas Botchok, at kapwa naaresto sa harap ng

Binangonan Municipal Hall matapos tanggapin ang marked money.

“Those arrested turned out to be civilian assets of the Binangonan Municipal Police Station,” sabi ni Frias.

Sinabi ni Frias na natuklasan din nila sa imbestigas­yon na hindi nakakulong ang isang pulis na nahaharap sa kasong Infidelity in the Custody of Prisoners at nagsisilbi pa itong lookout sa naganap na entrapment operation.

Kinilala ito na si Corporal Archieval Perez. Natuklasan din ng pulisya na gumagamit si Perez ng dalawang cellular phone habang nakikipagt­ransaksyon sina Domingo at Dolfo sa mga tauhan ng IMEG.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines