Balita

Testing protocols sa pumapasok sa PH, hihigpitan

- Mary Ann Santiago

Plano ng Department of Health (DOH) na rebisahin ang testing protocols sa mga biyahero na pumapasok sa Pilipinas.

Paliwanag ng DOH, ang mga biyahero ay muling isasalang sa COVID-19 swab test sa sandaling matapos na nila ang mandatory quarantine na isasagawa sa kanila pagdating sa bansa.

Layunin nito na matiyak kung sila ay talagang negatibo sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) bago sila tuluyang payagan na makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Matatandaa­n na isang negosyante­ng biyahero na umalis sa Pilipinas noong Disyembre 27 papuntang United Arab Emirates (UAE) ang nagpositib­o sa UK variant pag-uwi nito ng Pilipinas noong Enero 7.

Ang kanyang nobya na kasama sa biyahe, ay nagnegatib­o naman sa virus, gayunman nang isailalim ito sa reswabbing ay saka pa lamang ito nagpositib­o sa karamdaman.

Nangangahu­lugan umano ito na ang sintomas ng virus ay maaaring lumabas mula lima hanggang 14 na araw matapos silang ma-expose sa mga taong positibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay nasa 13 na ang close contact ng pasahero na nagpositib­o sa virus, kasama ang walong pasaherong nakasakay sa eroplano habang pauwi ng Pilipinas at limang close contacts, na kinabibila­ngan ng kanyang ina.

Paglilinaw ni DOH Undersecre­tary at Spokespers­on Maria Rosario Vergeire, sa 213 close contacts ng pasyente ay tatlo na lamang ang tinutunton nila sa ngayon. Dalawa aniya sa mga ito ay taga-National Capital Region (NCR) at isang taga-Region 7.

“Ngayon, tatlo na lang po ang hindi natin natutunton. Kagabi, nahanap natin ‘yung isa uli. Tatlo na lang po. Dalawang taga-National Capital Region at saka isang tagaRegion 7,” ani Vergeire, sabi pa ng opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines