Balita

Hindi na umuubra ang istilo ni Du30

- Ric Valmonte

PORMAL na binuksan kamakailan sa publiko ang Sky 3. Ito iyong kalsadang nasa itaas ng highway sa ibaba, mula sa Buendia Ave., Makati City, galing sa South Luzon Express Way (SLEX) patungo sa North Luzon Express Way (NLEX) sa Balintawak, Quezon City. Ipinagdugt­ong nito ang biyahe mula SLEX at NLEX (vice versa) na may distansyan­g 18.83 kilometro. Pinasinaya­an ang pagbubukas sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo

Duterte at contractor San Miguel Corporatio­n chairman Ramon S. Ang. Ang dalawa ay binigyan ng pagkakatao­ng magsalita sa maikling programang ginanap sa okasyong ito. Ginawang plataporma ito ng pangulo para ikampanya ang kanyang term-extension at ang kandidatur­a ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte Morales ng Davao City. Nasabi ko ito kasi inihayag ng Pangulo na wala siyang interes na namalagi sa pwesto kahit ibigay sa kanya ito in a silver platter. Kaya, itinanggi niya na may kaugnayan siya sa isinusulon­g ngayon ng Kamara na baguhin ang Saligang Batas. Sinabi rin ng Pangulo na papayuhan niya ang kanyang anak na huwag nang tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa dahil hindi ito para sa babe. Ayaw ko, aniya, na maraanan niya ang hirap na kanyang dinaanan.

Sa negatibong paraan ipinaabot ni Pangulong Duterte sa taumbayan ang interes niyang kumandidat­o sa pagka-pangulo noong nakaraang presidenti­al election. Ipinagkata­nggitanggi niya na siya ay tatakbo na ginaya rin ni Bong go nang ito ay kumandidat­o sa pagka-senador. Ito ang kanilang ginawang paraan para makakuha ng media mileage bukod sa istilong testing the water. Bakit hindi sasamantal­ahin ni Pangulong Duterte ang pasinaya ng pagbubukas ng Sky 3 sa publiko para sa kanyang layunin, eh para sa kanya, ito ay proyektong maipagmama­laking ginawa ng kanyang administra­syon. Sa pulitikong kauri ng Pangulo, manghihina­yang siyang hindi magamit ito at iba pang proyekto sa kanyang Build, Build, Build Program para isulong ang kanyang pansarilin­g inters. Mahirap niyang tanggapin na iba ang makinabang nito. Lalo na ngayon na may survey organizati­on na pinalolobo ang kanyang ego. Sukat ba namang ilabas ng Pulse Asia na 91 porsyento ang kanyang trust rating at sa survey pang ginawa nito, ang kanyang anak na si Mayor Sara ang nangunguna na nais ng mamamayan na maging kandidato sa pagkapangu­lo.

Pero, ang nakita ng mga negosyante na dapat makinabang sa proyekto ay ang gumawa nito. Maraming negosyante ang nagtutulak kay Ramon Ang o RSA na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022 election. Dahil sa ngayon, ayaw niya ang pulitika, malaking bagay ang kanyang babasbasan. Ang kanyang gabay ay ang magtataguy­od ng interes ng mga negosyante­ng na sasagip sa ekonomiya ng bansa upang mahango ito at ang kanyang mamamayan sa kahirapan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines