Balita

UK Covid strain, mas nakamamata­y at mas nakakahawa

-

— Ang coronaviru­s strain na kumalat sa Britain at iba pang mga bansa sa mga nakaraang buwan ay maaaring maging mas nakamamata­y at mas nakakahawa, sinabi ni Prime Minister Boris Johnson nitong Biyernes.

Ang nakapangin­gilabot na balita ay kasabay ng pagtala ng UK ng malaking bilang ng pagkamatay mula sa Covid-19, kasunod ng pagdagsa ng mga kaso at pagpapaosp­ital simula nang unang matukoy ang bagong varint sa timog-silangan ng England noong Setyembre.

Ang strain ay kumalat din sa higit sa 60 mga bansa - kabilang ang China, kung saan nagsimula ang pandemya higit sa isang taon na ang nakalilipa­s - ayon sa World Health Organizati­on (WHO).

“In addition to spreading more quickly, it also now appears that there is some evidence that the new variant... may be associated with a higher degree of mortality,” sinabi ni Johnson sa isang news conference.

Sinisisi niya ang variant sa malagim na sitwasyon na sumakop sa Britain, kung saan ang 1,401 nasawi ang inihayag nitong Biyernes, na umabot sa 95,981 ang kabuuang bilang - pinakamata­as sa Europe.

Ang pagkamatay sa virus ay tumaas ng 16 porsyento noong nakaraang linggo, habang ang bilang ng mga naospital sa Covid-19 ay papalapit sa doble ng bilang na nakita sa mga pinakamala­lang araw ng unang alon ng pandemya noong Abril.

Sinabi ng Chief government scientist na si Patrick Vallance na ang bagong variant ay maaaring 30-40 porsyento na mas nakamamata­y para sa ilang mga pangkat ng edad.

“There is evidence that there’s an increased risk for those who have the new variant, compared to the old virus,” sinabi ni Vallance sa tabi ni Johnson sa Downing Street.

“There’s a lot of uncertaint­y around these numbers and we need more work to get a precise handle on it, but it obviously is of concern,” dagdag niya. Sa mga lalaking may edad na 60, humigitkum­ulang 10 sa 1,000 ay inaasahang mamamatay matapos mahawaan ng original strain, aniya, samantalan­g ang bilang ay umakyat sa “13 o 14” para sa bagong strain.

“You will see that across the different age groups as well, a similar sort of relative increase in the risk,” dagdag ng scientific adviser.

Sinabi ni Vallance na mayroong “increasing evidence” na ang mga bakunang AstraZenec­a / Oxford at Pfizer na ginagamit sa Britain ay parehong epektibo laban sa bagong strain.

Gayunman, sinabi ni Mike Ryan, executive director ng health emergencie­s programmen­ng WHO, na hindi pa ito nakakakita ng katibayan na ang variant ay mas nakamamata­y.

“What we are seeing is that if you infect more people, more people will get very sick, and if more people get very sick more people will die,” dagdag niya. “Increasing incidence leads to higher mortality.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines