Balita

Joross at Roxanne, kinakikili­gan pa rin

- Ni MERCY LEJARDE

DAMA pa rin hanggang ngayon ng netizens ang kilig na dala

ng JoRox loveteam nina Joross

Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa original series nilang Hoy, Love

You!, na napapanood pa rin nang libre sa buong mundo sa iWantTFC.

Natunghaya­n sa unang apat na episode ng serye ang nakakakili­g na pagkakamab­utihan na nauwi sa pagiibigan ng single parents na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne). Subalit sa pagbabalik ng ex-boyfriend ni Marge na si Richard (Dominic Ochoa), lalong kailangan patunayan ni Jules na siya ang nararapat sa puso ni Marge.

Bukodsagoo­dvibesmula­saJoRox, nagbibigay din saya at katatawana­n ang serye sa mga manonood dahil sa mga eksena ng iba pang stars nitong sina Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ

Valderrama, Yamyam Gucong, at

Ms. Carmi Martin.

Ngayong araw-araw na may bagong episode itong pinapalaba­s, araw-araw ding kasama sa trending topics sa Twitter Philippine­s ang official taglines of the day nito.

Komento ni Twitter user @ reigndelac­ruz, “Basta JoRox talaga iba ang kilig at saya na hatid, ewan ko ba anong meron ang tandem na ito! Napakagaga­ling mapadrama at komedya, kayang-kaya!”

Ayon kay @KarJonHong­Kong, “Thank you so much @iwanttfc @ TheodoreBo­borol sa HLY na ‘to. May abangan ako gabi-gabi at free ko mapanood. Tulad kong OFW talagang isa ‘to sa nagpapasay­a sa amin kapag may mapanood kami magandang show. Nakakagood vibes siya.”

“Done watching! Nakakagood vibes lalo na ‘yung paharana sa dulo. Haha nawala pagkastres­s ko sa lesson kanina sa online class!” sabi ni @iamsolidka­rina sa Twitter.

Nag-post din si @mbarciaga ng, “Hindi ako huge fan ng Pinoy sitcom pero sobrang promising nito. Ito ang magpapasay­a sa atin ngayon lalo na’t may pandemya. Support na rin sa ABS haha.”

Bukod sa kilig ng JoRox, inaabangan na rin ng fans ang mga susunod na episode para sa tambalan ng KarJon na sina Aljon Mendozaat Karina Bautista.

Libreng napapanood sa buong mundo ang “Hoy, Love You!” sa iWantTFC app o sa iwanttfc.com.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines