Balita

Maduro willing makipag-usap sa bagong US admin

-

Handa si Venezuelan President Nicolas Maduro “to turn the page” sa US sa ilalim ni President Joe Biden, sa kanyang panawagan para sa isang “new path” makalipas ang ilang taon ng tensyon sa dating administra­syon ni Donald Trump.

“We are willing to walk a new path in our relations with Joe Biden’s government based on mutual respect, dialogue, communicat­ion and understand­ing,” pahayag ng leftist leader sa mga tagasuport­a nito, kasabay ng pagsasabin­g “[he] is willing to turn the page” sa bagong US administra­tion.

Matatandaa­ng pinatawan ng Trump administra­tion ng multiple economic sanctions ang Venezuela, kabilang ang oil embargo na ipinatupad noong 2019, sa pagtatangk­a na mapatalsik ang rehimen ni socialist Maduro, na tinawag ng US na diktador.

Makalipas ang ilang taon ng malamig na relasyon ng Caracas at Washington tuluyang nasira ang diplomatik­ong relasyon ng dalawang bansa noong Enero 23, 2019, nang kilalanin ng US government si opposition leader Juan Guaido bilang interim president ng Venezuela.

Matapos ang pagkapanal­o ni Biden sa US presidenti­al election nitong Nobyembre, nagpaabot ng pagbati si Maduro at sinabing “[Venezuela was] ready for dialogue and good understand­ing with the people and government of the United States.”

Naniniwala naman ang mga analyst na pipiliin ng Biden administra­tion ang ‘more moderate stance’ sa Venezuela at susuportah­an ang internatio­nal mediation para sa transition tungo sa isang bagong pamahalaan.

Sa tala ng UN, higit limang milyong Venezuelan­s na ang umalis ng bansa mula noong 2015, dulot ng politikal at ekonomikal na kaguluhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines