Balita

Ilang tagasuport­a ni Navalny inaresto sa antiPutin protests

-

Tinatayang daan-daang raliyista ang inaresto ng Russian police sa pagdagsa ng libo-libong tagasuport­a ng ikinulong na Kremlin critic Alexei Navalny sa mga lansangan kasunod ng panawagan laban sa pamumuno ni President Vladimir Putin.

Hinikayat ng pinakamasu­gid na kritiko ni Putin ang mass rallies matapos malampasan ang near-fatal poisoning mula sa Novichok nerve agent at magbalik ng Moscow nitong nakaraang weekend matapos ang ilang buwang gamutan sa Germany. Sinalubong ng pag-aresto si Navalny sa Sheremetye­vo Airport at agad ikinulong.

Inaasahang ang protesta nitong Sabado ay isang malaking pagsubok sa abilidad ng oposisyon na makapagmob­ilisa sa kabila ng tumaas na pressure ng Kremlin sa mga kritiko at ang coronaviru­s pandemic.

Bago ang demostrasy­on, inilabas ng kampo ni Navalny ang isang imbestigas­yon sa isang opulent Black Sea property na umano’y pag-aari ni Putin. Nasa higit 65 million na ang views nito mula nang ilabas.

Sa Pacific port ng Vladivosto­k, nagtipon ang mga raliyista sa city centre, habang isinisigaw ang “Putin is a thief” at “Freedom to Navalny!”

Makikita naman sa AFP footage ang mga pulis na naka-full riot gear habang hinahabol ang mga nagpoprote­sta at pinapalo ng baton.

Dagsa din ang mga ralisyista sa iba pang siyudad sa Far East at Siberia kabilang sa Khabarovsk, Novosibirs­k at Chita kung saan libo-libo ang nagtipon.

Sa Yakutsk south ng Arctic Circle, tuloy rin ang mga nagpoprote­sta sa kabila ng matinding lamig ng temperatur­a na umaabot ng minus 50 degrees Celsius (-58 Fahrenheit).

Sa OVD Info, sinasabing halos 200 katao ang inaresto sa halos 20 siyudad dulot ng rally.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines