Iran nanawagan na tapusin ang US sanctions
Nanawagan ang Iran sa bagong US administration na “unconditionally” lift sanctions na ipinataw ni Donald Trump sa Islamic republic upang wakasan ang 2015 nuclear deal, kasama ng babala sa anumang concessions.
Dalawang araw matapos maupo si US President Joe Biden, naglabas si Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif ng isang op-ed sa US foreign policy magazine Foreign Affairs hinggil sa tinding ng Tehran na maisalba ang kasunduan.
Halos wala nang bigat ang kasunduan mula nang iatras ni dating president Donald Trump ang US dito noong 2018 at ipatupad ang mabibigat na sanctions bilang bahagi ng polisiya ng “maximum pressure” sa Iran.
Kilala bilang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), napagkasunduan ang deal sa pagitan ng Iran, United States, China, Russia, Britain, France at Germany.
Inialok nito ang sanctions relief kapalit ng pagtapyas sa Tehran’s nuclear ambitions at naggagarantiya na hindi nito hahangarin ang isang atomic bomb. Pinanatili ito ng Iran na isinulong na lamang ang civilian nuclear energy programme.
“The new administration in Washington has a fundamental choice to make,” ani Zarif, na ikinokonsiderang one of the architects ng 2015 nuclear deal, sa oped.
“It can embrace the failed policies of the Trump administration,” or Biden “can choose a better path by ending Trump’s failed policy of ‘maximum pressure’ and returning to the deal his predecessor abandoned,” dagdag pa niya.
“But if Washington instead insists on extracting concessions, then this opportunity will be lost.”