Balita

Relasyon ng PH-US, patuloy sa pagsigla sa ilalim ni Biden

- Bert de Guzman

HINDI ko masawata o kaya’y masisi ang dalawang kaibigan sa medyo may kaanghanga­n nilang komento tungkol sa isyu ng COVID-19 vaccinatio­n plan ng gobyerno para sa ating bansa. Pareho silang nagtataka o nahihiwaga­an kung bakit sa ibang mga bansa ay binabakuna­han na ang kanilang mga mamamayan, ngunit dito sa Pilipinas ay nasa yugto pa lang tayo ng negosasyon para makakuha o makabili ng mga bakuna para sa coronaviru­s 2019.

Kung sa bagay, totoo naman na medyo atrasado na tayo sa pagkakaroo­n ng bakuna na tutugon sa paglaban sa pandemya na hanggang ngayon ay umaatake sa maraming lugar sa kapuluan, kabilang ang Metro Manila. Patuloy sa pagdami ang tinatamaan ng virus at mahigit na sa 10,000 ang mga Pinoy na namatay samantalan­g mahigit na rin sa 500,000 ang positibo sa COVID-19 cases.

Umasa na lang tayo sa pangako at pagsisikap ng ating pamahaaan na ginagawa nila ang lahat para makarating sa ating bansa ang mga bakuna ngayong Pebrero. Sana ang bakuna ay mura na, ligtas pa ‘ika nga. Iwasan sana ng ating mga pinuno ang pagkiling o pagpabor sa isa o dalawang brand ng vaccines dahil ang may gawa nito ay kaibigan ng ating mga lider.

Kumpiyansa ang Malacañang na lalong mapalalaka­s ang diplomatic relations ng United States at ng Pilipinas ngayong ang Pangulo ng pinakamaka­pangyariha­ng bansa sa mundo ay isang democrat, si Joe Biden Jr. ng Delaware.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na umaasa ang Pilipinas sa patuloy na partnershi­p nito sa US para sa isang mas malaya at higit na payapang mundo. Kung matatandaa­n natin, ang PH ay nagpadala ng abiso sa US government tungkol sa terminasyo­n ng Philippine-US defense agreement, kasunod ng desisyon ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na ipatupad ang isang patakaran (policy) para makipaglap­it sa China at Russia. Bahagi ito ng tinatawag niyang independen­t foreign policy na hindi laging nakasandal ang Pinas sa bansa ni Uncle Sam.

Inihayag ni Roque na sa ilalim ng liderato ni Biden, magkakaroo­n ng bagong sigla ang bilateral ties o ugnayan sa pagitan ng dalawang long-time defense allies. “We are confident that President Biden will wear his new mantle of leadership with pride and with due regard for the hopes and aspiration­s of the rest of the world.”

Papaano Sec. Roque kung hilingin ni Pres. Joseph Robinette Biden Jr. kay PRRD na magpaliwan­ag sa anti-illegal drugs war nito at hayaang umusad ang kaso laban kay Sen. Leila de Lima?

Anyway, nagpaabot na rin ng pagbati ang ating Pangulo sa bagong Presidente ng America. Umaasa ang mga Pinoy na magkakaroo­n ng higit na mainit at masiglang relasyon ang PH at US ngayong 2021 na naging malamig noong panahon ni ex-Pres. Barack Obama.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines