Balita

PSC, ‘di na magbibigay ng ‘financial assistance’ sa NSA’s

- Ni EDWIN G. ROLLON

WALA ng kawala ang mga tamad, abusado at palaasang National Sports Associatio­ns (NSAs).

Inaprubaha­n ng Philippine Sports Commission (PSC) Board ang limang Resolution na magpapatib­ay sa ‘pangil’ ng ahensiya upang madisiplin­a at mapigilan ang tila pang-aabuso ng mga sports associatio­ns sa kaban ng bayan para maisulong ang mga ‘mestisong’ programa sa sports.

Sa isinagawan­g PSC Board meeting via Zoom kamakailan, nagkakaisa sina Chairman William ‘Butch’ Ramirez, at Commission­ers Charles Maxey, Arnold Agustin, Ramon ‘El Presidente’ Ferandez at Celia Kiram na higpitan ang polisiya ng ahensiya sa paglalaaan ng financial assistance, higit at limitado ang pondo ng sports bunsod nang malaking pangangail­angan ng pamahalaan sa paglaban sa coronaviru­s COVID-19 pandemic na nagdulot nang mahigit isang taon nang quarantine period sa malaking bahagi ng bansa.

“Ibinigay na namin ang lahat ng pagkakatao­n para makapag-liquidate ang mga ‘delinquent’ NSA’s, but in the end kami pa rin ang talo dahil kami ang hinahanapa­n ng publiko dahil kami ang humahawak ng budget. The PSC Board is now implementi­ng a much stricter policy with regards on fund disburseme­nt,” pahayag ni Ramirez.

Sa Inilabas na NSA Advisory (Implementi­ng Policies) na may petsang Enero 18, 2021 at may lagda ni PSC Acting Deputy Executive Director Reina Presciosa Evangelist­a, nakasaad sa Resolution No. 1283-2020 na hindi pagkakaloo­ban ng ‘financial assistance’ ang mga NSA na lumabag sa PSC policies na:

a) Compliance with liquidatio­n requiremen­ts

b) Failure to disclose sources of funding other than PSC’s assistance

c) Causing undue delay in the submission of reportoria­l requiremen­ts to maintain good standing and other mandatory requiremen­ts.

Sa Resolution No. 241-2020, hindi na mabibigyan ng financial assistance ang mga profession­al sports, maliban nalamang kung bahagi ito ng paghahanda para sa Olympic qualifying.

Ipinag-utos din ng PSC sa NSAs sa bisa ng Resolution No. 1198 (E)-2020, na isumite ang mga donasyon na equipment at cash ng pribadong sector para sa kanilang mga coaches at atleta.

Sa pagkakatao­n na ililipat ng NSA’s ang mga equipment ng kanilang atleta mula sa venue ng PSC patungo sa ibang lugar, hindi na PSC bagkus ang mga NSA ang siyang gagastos para rito.

Hindi na rin papayagan ng PSC ang pagsumite ng ‘retroactiv­e’ sa buwanang allowances ng mga atleta at coach.

“Sa pag-upo namin in 2016, ipinapatup­ad na namin ito, but before the 2019 SEA Games, niluwagan namin dahil preparatio­n ng hosting ng SEA Games. But after the SEAG, mas lumaki yung mga unliquidat­ed ng mga NSAs, kami na ang tinatanong ng COA dito,” pahayag ni Ramirez.

Sa naunang panayam kay Ramirez, nabanggit niya na umabot sa mahigit P100 milyon ang ‘unliquidat­ed’ advances ng mahigit 20 sports associatio­n. Hindi naman naibigay ng PSC ang kompletong listahan ng mga NSA’s na magpahangg­ang ngayon ay may utang pa sa PSC mula sa nakuhang financial assistance limang taon na ang nakalilipa­s.

“Alam nila kung sino sila. Now, wala nang pakiusapan, kung may problema ka pa sa PSC, wala na munang assistance,” sambit ni Ramirez.

Nilinaw ni Ramirez na hindi maaapektuh­an ang pagsasanay ng atleta, gayundin ang kanilang partisipas­yon sa abroad dahil ipatutupad ng PSC ang ‘directto-athletes financial assistance’.

 ?? PSC PHOTO ?? PUSPUSAN ang ensayo ng Philippine boxing team sa PSC ‘bubble’ training sa loob ng Inspired Academy sa Los Banos,Laguna.
PSC PHOTO PUSPUSAN ang ensayo ng Philippine boxing team sa PSC ‘bubble’ training sa loob ng Inspired Academy sa Los Banos,Laguna.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines