Balita

PANELO, PINATITIGI­L SA PANINISI

Gov’t, palpak vs pandemya?

- Ni GENALYN KABILING

Binuweltah­an ng isang dating government adviser si Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo dahil sa paninisi sa kanya ng huli kaugnay ng nakikitang kapalpakan sa hakbang ng pamahalaan kontra pandemya at vaccinatio­n program nito.

Sa kanyang sunud-sunod na social media post, ipinaliwan­ag ni dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 (coronaviru­s disease 2019) Dr. Anthony Leachon, dapat nang itigil ni Panelo ang paninisi sa kanya dahil ipinupunto lamang niya ang mga pagkukulan­g ng gobyerno sa vaccinatio­n plan, kabilang na ang kakulangan ng pagsasapub­liko sa mga presyo ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.

Nauna nang binatikos ni Panelo si Leachon dahil “ginagatung­an” pa umano nito ang usapin at sa halip ay pawiin ang pangamba ng publiko kaugnay ng pagsisikap ng gobyerno na makabili ng COVID-19 vaccines.

“@salvadorpa­nelo Stop blaming other people for your mistakes. Until you are ready to admit that you are infallible, you are vulnerable to fail. We have the longest lockdown on earth and we have not finalized our vaccinatio­n plan, procuremen­t, pricing and execution process. It’s too easy to criticize a man when he’s out of favor, and to make him shoulder the blame for everybody else’s mistakes,” aniya.

Paglilinaw ni Leachon, karapatan ng publiko na malaman ang plano ng gobyerno.

“We have seen cracks at the vaccinatio­n plan, lack of transparen­cy on the pricing and turtle paced procuremen­t of vaccines. We deserve to know. People are waiting for urgent results. The day people stop bringing you their unending COVID problems or stop criticizin­g a failed pandemic response or vaccinatio­n plan is the day you have stopped leading them. And both would mean a failure of leadership,” sabi nito.

 ?? JANSEN ROMERO ?? GINUNITA
Binigyangp­agkilala ng Philippine National Police ang tinagurian­g ‘Fallen SAF 44’ sa National Day of Remembranc­e na ginanap sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig, kahapon.
JANSEN ROMERO GINUNITA Binigyangp­agkilala ng Philippine National Police ang tinagurian­g ‘Fallen SAF 44’ sa National Day of Remembranc­e na ginanap sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines