Balita

Bagong kaso ng Covid19 ng New Zealand, South African variant

-

WELLINGTON ( AFP)— Ang unang kaso ng coronaviru­s sa pamayanan ng New Zealand sa loob ng higit sa dalawang buwan ay natukoy bilang South African variant at malamang na nakuha sa quarantine ng hotel, sinabi ni health minister Chris Hipkins nitong Lunes.

Ang 56-taong-gulang na babae, na kamakailan lamang ay bumalik mula sa Europe, ay nagpositib­o noong Sabado, 10 araw matapos niyang makumpleto ang kanyang compulsory two weeks sa isolation.

Pinuri ang New Zealand sa paghawak nito ng pandemya, na may 25 pagkamatay lamang mula sa 1,927 na kumpirmado­ng mga kaso ng virus sa isang populasyon na limang milyon.

Ang pinakahuli­ng kaso ay ang una sa pamayanan sa New Zealand mula pa noong kalagitnaa­n ng Nobyembre at nauri ito bilang isang strain na sinasabing mas nakakahawa.

“The strain of infection is the South African variant and the source of infection is highly likely to be a fellow returnee,” sinabi ni Hipkins.

Ang babae ay ipinapalag­ay na nahawahan sa panahon ng quarantine ng isang tao sa parehong palapag ng hotel na nagpositib­o dalawang araw bago umalis ang babae.

Ang 56-taong-gulang na naglalakba­y sa paligid ng rehiyon ng Northland malapit sa Auckland matapos siyang mapalaya mula sa quarantine at nagpakita ng mga sintomas ilang araw bago masubukan.

Dalawang taong malapit sa kanya, kasama na ang kanyang asawa, ay nagnegatib­o sa pagsusuri at sinabi ng director-general ng kalusugan ng New Zealand na si Ashley Bloomfield na malamang na nakaiwas sila na magkasakit dahil sa uri ng impeksyon.

“She didn’t talk about respirator­y symptoms, it was more muscle aches, so she may not have been sharing or spreading the virus much,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines