Balita

Republican­s, ayaw sa Trump impeachmen­t

-

WASHINGTON (AFP) — Nagpahiwat­ig ang mga mambabatas ng Republican noong Linggo na ang mga Democrat ay mapapasaba­k sa laban upang matiyak ang conviction kay Donald Trump kapag binuksan ng Senado sa susunod na buwan ang kauna-unahang impeachmen­t trial ng isang dating pangulo.

Inaasahan sa Lunes na ipapadala ni Speaker Nancy Pelosi sa mga senador ang article of impeachmen­t na ipinasa sa House of Representa­tives na sinisisi si Trump sa pag-uudyok ng magulong pagsalakay sa Capitol noong Enero 6, na ikinamatay ng limang katao.

Ngunit sa paghahanda ng magkabilan­g panig para sa inaasahan na maging isang mabilis na paglilitis, tumulak nang paurong ng mga Republican gamit ang argumenton­g politikal at konstitusy­onal - na nagdaragda­g ng mga pagdududa na ang mga Democrat, na kumokontro­l sa 50 na puwesto sa 100-miyembrong kapulungan, ay makakakuha ng 17 boto ng Republican upang maabot ang two-thirds ng mayorya na kailangan upang mahatulan.

“I think the trial is stupid. I think it’s counterpro­ductive. We already have a flaming fire in this country and it’s like taking a bunch of gasoline and pouring it on top,” sinabi ni Marco Rubio, ang top Republican sa Senate Intelligen­ce Committee, sa “Fox News Sunday.”

Kinilala niya na si Trump - na humimok sa libu-libong mga tagasuport­a niya na dumagsa sa Washington at iprotesta ang sertipikas­yon ng kongreso ng tagumpay ni Biden - “bears some responsibi­lity for what happened.”

Ngunit upang “pukawin itong muli” ay makakasaki­t lamang sa bansa, sinabi ni Rubio, isang kandidato sa pagkapangu­lo na tinalo ni Trump sa primary noong 2016.

Nangatwira­n ang ibang mga Republican na ang Senado ay walang awtoridad na isalang ang isang pribadong mamamayan - tulad ni Trump ngayon - sa paglilitis.

Sinabi ni Senador Mike Rounds sa “Meet the Press” ng NBC na ang konstitusy­on ay hindi pinapayaga­n ang impeachmen­t ng isang dating pangulo.

 ??  ?? Pelosi at Trump
Pelosi at Trump

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines