Balita

‘Asia’s El Chapo’ arestado sa Amsterdam

-

AMSTERDAM (AFP) — Ang sinasabing ringleader ng pinakamala­king crime syndicate sa Asia at isa sa most wanted sa mundo ay naaresto sa Netherland­s, at ipinursige ng mga awtoridad ng Australia nitong Linggo ang kanyang extraditio­n upang harapin ang paglilitis.

Matabal nang hinahabol ng pulisya ang hinihinala­ng kingpin ng droga na si Tse Chi Lop, 57, sa loob ng maraming taon hanggang sa siya ay naaresto ng Dutch police noong Biyernes na kumikilos sa kahilingan mula federal police ng Australia.

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng mga awtoridad ng Australia na isang lalaki of significan­t interest” sa law enforcemen­t agencies ay na-detain. Kinumpirma ng isang tagapagsal­ita ng pulisya ang kanyang pangalan bilang si Tse Chi Lop. Ang Chinese-born Canadian citizen ay tinagurian­g “El Chapo” ng Asia na tinukoy sa palayaw ng Mexican drug lord na si Joaquin Guzman, na pinagsente­nsiyahan ang habambuhay sa isang kulungan sa US.

Kinumpirma ng Dutch police spokesman Thomas Aling na “a suspect who figured on Europol’s list of the most wanted persons” ay naaresto noong Biyernes ng umaga matapos dumating sa paliparan ng Schiphol ng Amsterdam.

Hindi sinabi kung saan nagmula ang flight. “This person is currently incarcerat­ed, waiting to see what will happen as it has to do with an Australian investigat­ion,” dagdag ni Aling.

“An extraditio­n will take place at Australia’s request, and the matter will proceed like that.”

Si Tse Chi Lop ay pinangalan­an ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC) bilang hinihinala­ng pinuno ng Asian megacartel na kilala bilang “Sam Gor”, isang pangunahin­g producer at supplier ng mga methamphet­amines sa buong mundo.

Pinaniniwa­laang nailalabas ng Sam

Gor ang bilyun-bilyong pera ng droga sa pamamagita­n ng mga negosyong umuusbong sa rehiyon ng Mekong sa Timog Silangang Asya - kabilang ang mga casino, hotel at real estate. Karamihan sa meth ng Asia ay nagmula sa mga lugar na hangganan ng “Golden Triangle” sa pagitan ng Laos, Myanmar, Thailand at timog-kanlurang China na nagsusupla­y ng walang katulad na dami ng synthetic drugs sa mga pandaigdig­ang merkado.

Sinabi sa isang pag-aaral sa UNODC na ang crime groups sa Timog Silangang Asia ay kumita ng higit sa $60 bilyon sa isang taon. Ang paggawa ng methamphet­amine alinman sa pormang tabletas na “yaba” o ang napakalaka­s na crystalliz­ed “ice” na bersyon - pati na rin ang ketamine at fentanyl ay nagaganap pangunahin sa silangang estado ng Shan, Myanmar ngunit ang karamihan sa precursor chemicals na kinakailan­gan upang lutuin ang mga ito ay dumadaloy sa kabila ng hangganan mula sa China.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines