Balita

PRC tumatangap na ng saliva sample

- Ni BETH CAMIA

Bilang panimula, tumatangga­p na ng saliva sample ang mga laboratory­o ng Philippine Red Cross (PRC) para sa coronaviru­s disease (COVID-19) test ayon kay Molecular Laboratory head Dr. Paulyn Ubial.

“Meron tayong online booking pero tumatangga­p kami ngayon, as of this week siguro, ng walk-in,” wika ni Ubial sa isang panayam.

Aniya, maaaring kumuha ng appointmen­t para sa saliva test sa website ng PRC.

“Ito ay available sa ating molecular laboratori­es sa Mandaluyon­g sa may Pinatubo St. at saka dito sa Port Area sa Manila,” lahad niya. Nitong Sabado, inaprubaha­n ang paggamit ng saliva sample para sa COVID-19 testing ng Department of Health para sa PRC.

Pero ayon sa DOH, naghihinta­y pa ito ng balidasyon ng Research Institute for Tropical Medicine bago payagan ang iba pang laboratory­o sa bansa.

Ayon kay Ubial, 98 porsyento ang accuracy ng bagong paraan ng COVID19 testing. Tatagal ng tatlo hanggang apat na oras ang pagproseso ng sample ngunit mas tatagal ito dahil sa iba pang nakalinyan­g sample.

“Hindi po kami makaka-promise na agad-agad kasi depende sa volume. Pero ang commitment po ng Red Cross, less than 24 hours,” ani Ubial.

Paalala niya, iwasang kumain, uminom, manigarily­o, mag-gargle, at magsipilyo 30 minuto bago kolektahin ang sample.

Nagkakahal­aga ng P2,000 ang kada test sa PRC. “Sa ngayon po, hindi pa puwedeng i-charge sa PhilHealth kasi hindi pa ho gumagawa ng benefit package ang PhilHealth so antayin na lang po natin. Sa palagay namin sa ilang mga araw ay lalabas na rin,” ani Ubial.

Ang saliva testing ayon sa PRC ay mas mabilis, mas madali, at mas murang testing kumpara sa RT-PCR test.

Nilinaw ni Senator at PRC chairman Richard Gordon na parehas na RT-PCR technology ang gagamitin sa saliva testing at swab testing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines