Malakas na COVID response ang tutulong sa pagbangon ng ekonomiya—VP Robredo
ANG pagpapabuti sa kasalukuyang mga polisiya ng pamahalaan at pagresponde sa COVID19 ang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa at magbibigay daan sa pagsulong, pahayag ni Vice President Leni Robredo.
Ito ang naging pananaw ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa matapos lumabas kamakailan ang projection ng isang Japanese investment firm na nagsasabing ang Pilipinas, kasama ng Thailand, ang mahuhuli sa mga kapwa miyembrong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagbangon ng ekonomiya sa rehiyon ngayong taon dahil sa mahinang pagtugon sa pandemya.
Binubuo ang ASEAN ng Pilipinas, Thailand, Singapore, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Cambodia, Myanmar, Brunei, at Laos.
“We hope that our policies and response will improve so that this initial projection can still change. The (projection) is not cast in stone. What I mean is that projections are based on what we are doing right now. The longer we prolong what we’re going through right now, the more the economy is suffering,” ani Robredo sa isang panayam sa radyo.
Nitong nakaraang buwan, sinabi ng Japanese investment house Nomura na ang Pilipinas at Thailand ang huling makakabangon sa usapin ng ekonomiya dahil sa pandemya. Ito’y sa kabila na nagkapagtala ang Asya ng 8.1% average domestic product growth ngayong taon.
Gayunman, sa pagtataya ng kumpanya, maaabot lamang ng Pilipinas at Thailand ang kanilang pre-pandemic output levels sa ikalawang bahagi ng 2022.
Ikinalungkot ni Robredo ang nasabing prediksyon, at sinabig maaari itong magdulot ng dagdag na unemployment at pagsasara ng negosyo.
“What we are doing in the office is we’re looking for ways—our resources are limited and even our mandate—but we are identifying the ways how we can help,” dagdag pa ng bise presidente.
Kasama ng kanyang staff, sinabi ni Robredo na kinailangan nilang muling magsuri kung paano sila makatutulong sa mga komunidad. Sa ngayon, aniya, proyoridad nila Office of the Vice President’s Sustainable Livelihood Assistance upang makatulong na maiangat ang buhay ng mga nasa vulnerable sectors.
Sa kasagsagan ng pandemic outbreak, pinangunahan ni Robredo ang daan para sa procurement, production, at distribusyon ng personal protective equipment (PPE), medical supplies, at relief packs sa mga health care workers.
Aniya, sunod naman nilang pagtutuunan ang rehabilitation part ng kanilang program,a kapag natapos na nila ang pamamahagi ng PPEs at medical supplies.
Maging ang mga donasyon, aniya, na ipinadala sa kanyang opisina para sa mga biktima ng Bagyong Rolly at Ulysses nitong nakaraang taon ay ginagamit na upang makapagtayo ng mga tahanan. Habang ang pondo ng kanyanh opisina ay inilalaan naman para sa mga livelihood programs dahil “we believe these are the current problems we are facing, these will help (the people).”