Balita

Mga bata, makalalaba­s na ng bahay

- Bert de Guzman

KAWAWA naman ang mga batang ang edad ay 10 hanggang 14 dahil sa halos isang taon ng COVID19 pandemic ay naka-lockdown sila at laging sa bahay lang. Bawal sa kanilang lumabas sa pangambang tamaan ng lason ng coronaviru­s na walang sinasanto. Eh normal sa bata ang pagiging masigla at malikot!

Noong Sabado, may mga report na papayagan na ang mga batang ito na makalabas ng bahay basta kasama ang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). Layunin ng gobyerno na mapasigla at mapanumbal­ik ang mga aktibidad ng ekonomiya at negosyo. Magsisimul­a

ito sa Pebrero 1. Kapag may mga bata, siyempre ang mga magulang ay handang gumastos para sa mga anak.

Gayunman, sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na mananatili sa bahay ang sino mang tao na wala pang 10 taon ang gulang at taong ang edad ay mahigit sa 65. Aba, kawawa naman ang mga senior na kahit lampas na sa 65 anyos ay malalakas pa at masisigla. Dapat din siguro silang palabasin sila basta laging susunod sa health protocols.

Samantala, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan (Local Government Units) na magsagawa na rin ng pagluluwag o relaxation sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), gaya ng MGCQ.

Sinabi ni DoH Sec. Maria Rosario Vergeire na ang bagong age limit (10 years) ay iminungkah­i ng economic cluster sa IATF upang makapagsim­ula sa pagbabango­n sa ekonomiya ng bansa. “Ang katwiran dito ay balansehin ang ekonomiya sa kalusugan.”

Sa puntong ito, hinikayat ni Vergeire ang LGUs na ipatupad ang health protocols laban sa Covid-19. Anu-ano ba ito? Laging paghuhugas ng kamay, tamang pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing.

Kapansin-pansin lang na marami pa rin tayong mga kababayan ang hindi sumusunod sa mga alituntuni­n ng kalusugan. Marami pang Pinoy ang naka-face mask ay wala sa ilong at nakababa, may face shield nga ay nasa dakong ulo, hindi naghuhugas ng kamay o alcohol kapag galing sa CR o lugar na matao, at wala sa tamang agwat upang hindi magkahawah­an.

Binigyang-diin ni Vergeire na basta compliant at sumusunod sa minimum health protocols, ligtas tayo sa COVID-19. “We are assured that the infection risk will be very low regardless of age.” Mga kababayan, kilos na tayo, sundin ang health protocols upang makaiwas sa salot na ito habang wala pang bakuna sa ‘Pinas at nasa yugto pa lang ng negosasyon.

Samantala, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang bentahan sa

negosyo ay magdodoble o magtitripl­e pa kasunod ng desisyon ng IATF sa pagpayag na makalabas ng bahay ang mga batang nasa edad na 10.

Ayon kay Lopez, batay sa pagsusuri ng mga taong nasa negosyo, gaya ng retailing, commercial areas, malls, kapag ang mga magulang ay lumabas kasama ang mga anak, ang kanilang consumptio­n ay tumataas. Uli, ingatan ng mga magulang ang mga anak, lalo na sa mga mall, at huwag silang bayaang magtatakbo at kung saan-saan magpupunta.

Sa paglisan ni ex-Pres. Donald Trump at pagpasok ni Joe Biden bilang pangulo ng United States, umaasa ang mga Amerikano na makagagawa ito ng mga paraan upang mapababa o kung di man ganap na masugpo ang COVID-19 na mahigit na sa 24 milyon ang infected at 400,000 ang namatay.

Sa unang araw sa White House, inihayag ang kanyang “wartime COVID plan” na umano’y napabayaan ni Trump. Iuutos niya ang pagsusuot ng face mask sa buong US at babakunaha­n ang 100 milyong mamamayan sa loob ng 100 araw niya sa puwesto.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines