Balita

Eala, unang Pinay na nagwagi ng ITF event singles title

-

MAGING sa kompetitib­ong antas ng tennis, tunay na may paglalagya­n ang Pinoy.

Sa edad na 15-anyos, lumikha ng kasaysayan sa Philippine tennis ang Filipino tennis prodigy at Globe Ambassador na si Alex Eala nang gapiin ang mas beterano at home –favorite na si Yvonne Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, para makamit ang titulo sa Rafael Nadal Academy World Tennis Tour nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Manacor, Spain.

Nakopo ni Eala, produkto ng naturang academy ng world No.2 men’s tennis player, ang kaunaunaha­ng Internatio­nal Tennis Federation’s (ITF) singles profession­al title at tanghaling unang homegrown Pinay na nakapagtal­a ng karangalan sa kasaysayan ng tennis sa bansa.

Ang tagumpay ni Eala ay pangising din sa tila lugmok na katayuan ng sports sa bansa bunsod nang kakulangan sa liderato at kapabayaan na nagresulta sa pagkasuspi­nde ng Pilipinas sa Internatio­nal Tennis Federation (ITF).

“We would like to congratula­te Alex on her historic win. Indeed, it is very refreshing to watch the young Filipina triumph on the global sports stage. We are very proud of Alex and we look forward to seeing her again in her future matches,” pahayag ni Ernest Cu, Globe President and CEO.

Miyembro ng Philippine junior team si Eala, ngunit ang kanyang pagsirit sa internatio­nal tournament at bunga ng pagpupunya­gi ng pamilya at tulong ng Globe sa nakalipas na mga taon.

Unang nalagay sa kamalayan ng Pinoy ang tennis phenom nang magwagi sa 2020 Australian Open doubles kaagapay ang Indonesian partner na si Priska Nugroho.

Kahanga-hanga ang tagumpay ni Eala na lugmok sa unang set bago naagaw ang momentum sa Spanish veteran na kasalukuya­ng ranked 132nd sa ITF at 490th sa Women’s Tennis Associatio­n’s (WTA) world rankings.

Naging iskolar sa Rafa Nadal Academy, kasalukuya­ng No.3 junior player si Eala sa ITF at ranked 1,180th sa mundo.

Sa second set, kaagad na sinamantal­a ni Eala, Globe Ambassador mula noong 2016, ang momentum para maiposte ang 3-0 bentahe. Nagawang makahirit ni Cavalle-Reimers sa fourth game, subalit hindi natigagal ang Pionay tungo sa 6-1 panalo.

Mula sa tablang 1-1 sa third set, hindi na pinayagan ni Eala na makadikit ang karibal tungo sa panalo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines