Balita

Davao-Cocolife Tigers, handa sa pagbabalik ng MPBL

-

KONDISYON ang Davao Occidental Cocolife Tigers sa sandaling mapayagan ang pagbabalik aksiyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ayon kay Tigers deputy team manager Ray Alao, bagama’t naudlot ang liga dahil sa pandemya, optimistik­o ang koponan ni Dumper Party List Congresswo­man Claudine Bautista ng Davao Occidental sa timon ni manager Dinko Bautista at basketball operation head Bong Baribar, na maririnig muli ang atungal ng bangis ng Tigers sa hardwood sa tamang tiyempo upang maituloy na ang misyong national championsh­ip sa MPBL na inorganisa ni sports icon Senator Manny Pacquiao.

“Hundred percent condition sina Mark ( Yee), Bonbon( Custodio) , Billy( Robles) at iyong mga players nating nakabase sa Davao at Cebu na tuloy ang training via zoom bukod sa physical conditioni­ng sa kani-kanilang balwarte sa panahon ng lockdown.Our Tigers are raring to roar,” sambit ni Alao sa team na suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,Retail Division Chief Senior VP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.

Hinihintay na lamang ng pamunuan ng MPBL ang pahintulot mula sa Inter -Agency Task Force ( IATF) on Covid-19 upang maituloy na ang nalalabing laro ng naudlot na Lakan Cup.

Ang Davao Occidental Cocolife Tigers, Basilan Steels, Makati Super Crunch at defending champion San Juan Knights ang mga natitirang teams sa Lakan Cup na nagtutungg­ali sa South at North Division.

Haharapin ng Davaoenos ang karibal na Basilan sa isang rubbermatc­h sa South Division kung saan ang mananalo ay makakalaba­n ang magwawagi sa pagitan sa North Division na Makati vs San Juan para sa prestihiyo­song national championsh­ip ng Lakan Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines