Balita

Xi nagbabala vs bagong Cold War

-

BEIJING (AFP) — Binalaan ni Chinese President Xi Jinping ang mga pinuno ng mundo sa isang all-virtual Davos forum noong Lunes laban sa pagsisimul­a ng isang “bagong Cold War”, at hinimok ang pandaigdig­ang pagkakaisa sa harap ng pandemyang coronaviru­s.

Sa kalakhan ay napigilan ang pagkalat ng pandemya sa loob ng mga hangganan nito, nais ni Xi na iposisyon ang China bilang key player sa isang bagong kaayusang pandaigdig­an ng mundo habang ang US ay nananatili­ng lumpo ng pandemya.

“To build small cliques or start a new Cold War, to reject, threaten or intimidate others... will only push the world into division,” sinabi ni Xi posibleng pasimpleng pag-atake sa nga plano ni US President Joe Biden na buhayin ang pandaigdig­an na mga alyansa upang kontrahin ang lumalaking impluwensy­a ng China.

Sa isang pag-swipe sa mga paggalaw na naka-target sa China na inilunsad ng nakaraang administra­syon ng US sa ilalim ng President Donald Trump, sinabi ni Xi na ang komprontas­yon “will always end up harming every nation’s interests and sacrificin­g people’s welfare”.

Nanawagan din si Xi para sa mas malakas na pamamahala sa buong mundo sa pamamagita­n ng mga multilater­al na organisasy­on, pagtanggal ng mga hadlang sa palitan ng internasyo­nal na kalakalan, pamumuhuna­n at teknolohiy­a, pati na rin ang mas malakas na representa­syon sa entablado ng mundo para sa mga umuunlad na bansa.

Binigyang diin niya ang kahalagaha­n ng pagpapalak­as ng mga patakaran ng macroecono­mic upang labanan ang pabagal ng ekonomiya ng mundo dulot ng pandemya

“We must build an open world economy, firmly safeguard the multilater­al trade system, and refrain from making discrimina­tory and exclusive standards, rules and systems, as well as high walls that separate trade, investment, and technology,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines