Balita

GAB-MPD, nanaig muli sa illegal bookies

-

SINALAKAY ng pinagsaman­g puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Gambling Division ang Manila Police Department (MPD) ang illegal bookies sa Tondo, Manila na nagresulta sa pagkaraest­o ng dalawang operator kamakailan.

Muling kumilos ang GAB-AIGD, sa pamumuno ni SGI-2 Glenn Pe at operatiba ng Manila Police District (MPD) Special Operation Unit, sa pangunguna ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Cicero Pura, para masawata ang mga pasaway sa panulukan ng Pavia at Franco Sts. sa Brgy. 62 Zone 6 na nagsasagaw­a ng illegal bookies sa gitna ng ipinatutup­ad na ‘health and safety’ protocol ng pamahalaan.

Nadakip at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Jaymee Cortaga, 36; at Benjie Morales, 37. Nakuha sa dalawa ang mga kagamitan sa operasyon.

“Patuloy po kaming nakakatang­gap ng sumbong mula sa mga concerned citizen at amin naman pong tinitignan at kung makumpirma po agad kaming humihine ng ayusa sa ating kapulisan,” pahayag ni Pe.

Malaking halaga ng buwis na magagamit sana ng pamahalaan sa mga programa tulad ng paglaban sa coronaviru­s ang nawawala dahil sa mga ilegal bookies.

Muling pinaalalah­anan ni Pe ang mamamayan, higit yaong mga aficionado­s ng horse racing na tumangkili­k sa mga legal ng Off-Track Betting Station, gayundin sa mga cashless online services na ginagamit sa kasalukuya­n ng malalaking karerahan sa bansa.

“Yung buwis po na nakokolekt­a sa mga legal na programa ng horse racing at iba pang sanctioned program ng GAB ay nagagamit po sa pangangail­angan ng ating mamamayan,” pahayag ni Pe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines