Balita

Roque kay Hontiveros: Mag-enroll ka

- Beth Camia

Mag-enroll ka sa klase kung maiisipan mong bumalik sa pagtuturo hinggil sa internatio­nal law.

Ito ang panghihika­yat ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque kay Senador Risa Hontiveros matapos siyang birahin ng huli sa ginawang pagtatangg­ol sa China.

Bagama’t pinupuri ni Hontiveros ang naging hakbang ng pamahalaan na maghain ng diplomatic protest sa China sa isyu pa rin ng West Philippine Sea ay binira naman nito si Roque sa umano’y pag-aabogado sa Tsina.

“Baka kailangan ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ng kaunting oras na magmuni-muni at mag-reflect. Sana ay pag-isipan muna ang sitwasyon kaysa sa mag-abogado para sa Tsina at magkibit-blikat sa lantarang pambabalew­ala nito sa internatio­nal law na pumoprotek­ta sa ating interest,” ang naunang pasaring senador kay Roque.

Tugon naman ni Roque, “Hindi ko po alam kung ano ang sinasabi ni Senator Risa Hontiveros. As past President of Asian Society of Internatio­nal Law (AsianSIL), siguro alam ko naman po ang internatio­nal law. 15 taon ko po ‘yan tinuro, fulltime sa UP at nagkaroon po ako ng advanced training sa internatio­n law.”

“Malinaw po ang sinabi ko noong lumabas po iyong bagong batas ng Tsina na sinasabi ko na bagama’t mayroon silang kapangyari­han gumawa ng kanilang mga batas ay kinakailan­gan na sang-ayon iyan sa general internatio­nal law na pinagbabaw­al ang paggamit ng dahas, except by way of self defense or when authorized by the security council,” buweltang pahayag ni Roque.

“Hayaan mo Senator Risa Hontiveros, if you want, if I go back to teaching, you can enroll in my class. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging grade mo,” dagdag na pahayag ni Roque na nangingiti pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines