Balita

Angel nagpaliwan­ag sa pagpuri kay Mayor Magalong

- Ni NITZ MIRALLES

ISA-ISANG sinagot ni Angel Locsin ang mga isyu kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kay Angel idinaan dahil lang sa napuri ni Angel ang pagreresig­n ni Mayor Magalong bilang Contract Tracing Czar. Kung marami ang pumupuri kay Mayor Magalong, may mga reklamo rin pala sa kanya, mismong mga taga-Baguio pa.

Nilinaw ni Angel na hindi niya ginu-glorify si Mayor Magalong gaya ng akusasyon ng isang netizen. Ipinaalam lang daw niya ang maganda niyang experience nang makaharap si Mayor Magalong.

Tama ang sinabi ni Angel na kung kaya nating magpuna ng mga pagkakamal­i, bakit naman daw niya ipagkakait kung may tamang ginawa ang isang government official.

May sinagot na netizen si Angel na pinilit ang pagkakamal­i ni Mayor Magalong at dapat daw hindi nito pinayagan ang birthday party/event ni Tim Yap.

Sagot ni Angel, “daming walang kwenta na pinatawad na dapat matanggal sa pwesto na ang kakapal ng mukha pero dito ka sa post ko nagre-react.

“Sa pagkakatan­da ko, isa ka sa mga organizers ng abs rally di ba. Anong ginawa mo nung nawalan ng social distancing? Anong ginawa mo nung ako yung pag-initan dahil bigla na lang akong tinawag para magsalita? Wala, di ba? Wala ka accountabi­lity at pinabayaan mo yung mga tao tapos ganito ka magsalita ngayon na parang wala kang fault? Valid yung mga points mo. Pero hypocrisy na galing sayo.”

Ayun, nagpaliwan­ag ang kinol out ni Angel, pero hindi na siya sinagot ni Angel at hindi na rin sinagot ni Angel ang iba pang comments. Ang importante, pinuri niya ang government official na dapat purihin.

Samantala, balitang this month na raw ikakasal sina Angel at Neil Arce, kaya hintayin na lang ang kanilang announceme­nt.

 ??  ??
 ??  ?? Angel
Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines