Balita

3 todas sa hotel attack

-

MOGADISHU (AFP) — Tatlong tao ang namatay sa isang jihadist attack nitong Linggo sa isang hotel sa Mogadishu, sinabi ng isang Somali security source, na idinagdag na ang bilang ng mga namatay ay maaaring tumaas dahil nasa loob pa rin ang mga sumasalakq­y.

Nagsimula ang pag-atake nitong Linggo ng hapon nang sumabog ang isang car bomb sa pasukan ng Hotel Afrik, na nasa gitna ng kabisera ng Somali at malapit sa paliparan ng lungsod. Pagkatapos ay sumugod sa hotel ang mga armadong lalaki, nakikipagp­alitan ng putok sa mga security personel.

Inangkin ni Al-Shabaab ang responsibi­lidad para sa pag-atake sa isang maikling pahayag, na nagsasabin­g: “The mujahidin stormed in an ongoing operation inside Hotel Afrik where members of the apostate team are stationed.” Ang hotel ay madalas na puntahan ng mga opisyal ng Somali, mga miyembro ng security forces at mga pinuno ng komunidad.

“We believe there are three terrorists trapped inside a room in the downstairs of the main building,” sinabi ni Dahir.

“But unfortunat­ely there are still civilians trapped inside the building even though many of them including senior military officials have been rescued and extracted from the building,” dagdag niya

Dalawang saksi ang nagsabing nakakita sila ng tatlong bangkay, ng dalawang lalaki at isang babae.

Sinabi ng isang tagapagsal­ita ng pulisya na si Sadik Dudishe, na ang mga pulis “immediatel­y entered the building” sa simula ng pag-atake, sinagip ang karamihan ng mga nasa loob, gayunman: “The operation is still going on.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines