Balita

3 SA SANOFI PASTEUR, IPINAAARES­TO

Pagdinig sa Dengvaxia case, iniisnab

- Ni JEFFREY DAMICOG

Ipinaaares­to ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang tatlong opisyal ng French pharmaceut­ical company na Sanofi Pasteur dahil sa umano’y pananaguta­n sa pagkamatay ng mga naturukan ng Dengvaxia, ang bakunang panlaban sa dengue.

Inihayag kahapon ng PAO, naglabas ng warrant of arrest ang QCRTC Branch 107 laban sa mga opisyal ng nasabing kumpanya na sina Stanislas Camart, Jean Louise Grunwald, at Jean Francois Vacherand, dahil sa kanilang kinakahara­p na kasong reckless imprudence resulting in homicide.

“Considerin­g that accused Stanislas Camart, Jean Louise Grunwald, and Jean Francois Vacherand did not appear on the scheduled hearing for their arraignmen­t, warrants for their arrest had been issued by the court, copy furnished the NBI (National Bureau of Investigat­ion), PNP (Philippine National Police) and the Embassy of France,” pahayag ng PAO.

Sinabi ng PAO, itinakda sa Marso 3 ang pre-trial conference at arraignmen­t ng iba pang akusado sa kaso. Kabilang sa mga akusado ay sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at DOH Secretary at incumbent Iloilo 1st District Rep. Janette Garin.

Kaugnay nito, iginiit muli ng PAO na hindi sila ang dapat na sisihin kung marami ang nag-aalangan at nangangamb­a sa pagpapatur­ok ng Dengvaxia.

“The PAO is not anti-vaccine. For lack of a better defense, personalit­ies linked to Dengvaxia have villified the PAO, making the PAO appear as anti-vaxxers out to destroy people’s confidence in vaccines. PAO will never encroach into politics, nor in public health issues. It seeks only to perform its mandate of giving justice to the victims and survivors and follow the DOJ directive of assisting Dengvaxia victims,” ayon sa pahayag ng PAO.

Ipinaliwan­ag pa ng PAO na noong Disyembre 2017, iniutos ng Department of Justice na tulungan nila ang mga pamilya ng mga batang namatay matapos mabakunaha­n ng Dengvaxia.

“As of the end of January 2021, the PAO Forensic Laboratory have examined the remains of 161 children and adults who died after inoculatio­n with Dengvaxia. And more dead victims are scheduled to be examined,” dagdag pa ng PAO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines