Balita

DENR, pinagpapal­iwanag ng Malacañang

- Genalyn Kabiling

Pinagpapal­iwanag ngayon ng Malacañang ang Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) kaugnay ng pananatili ng isang Chinese dredging vessel sa karagatan ng Pilipinas.

Nilinaw ni Presidenti­al spokesman Harry Roque, nais nilang malaman kung sino ang nagpahintu­lot na magoperate sa bansa ng foreign vessel at kung sangkot din ito sa black sand mining operations.

“Mga kababayan, ang tanong, saan ginagamit ang dredging vessel na ito? Baka naman ‘yan ay ginagamit dito sa ilang mga lugar sa Pilipinas na may pagpayag ng lokal na pamahalaan,” pahayag ni Roque sa isang pulong balitaan.

“Hindi naman pupunta ‘yan dito kung walang gumagamit niyan at ang nais kong malaman at sana bigyan ng kasagutan ng DENR ay ginagamit ba itong mga Chinese dredging vessels para kunin ang tanging yaman ng Pilipinas at ipadala sa bang bansa,’ pagtatanon­g nito.

Kamakailan, sinamsam ng Philippine Coast Guard at Bureau of Customs ang naturang barko dahil sa iligal na pananatili nito sa karagatan ng Orion sa Bataan.

Aniya, isasailali­m sa proseso ang nasabing barko alinsunod sa batas ng bansa.

Nahihiwaga­an aniya ito sa pananatili ng barko sa karagatan ng Orion na malapit din sa kilalang pinagkukun­an ng black sand sa Zambales.

“Ang nais kong malaman -ginagamit ba ito para sa black sand operations diyan sa mga karatıg bansa ng Bataan at sino ang nagbibigay ng permiso rito. Ang dapat i-report sa taumbayan sino ang gumagamit sa dredging vessels na ito,” sabi pa ng tagapagsal­ita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines