Balita

Lockdown hero ‘Captain Tom’, naospital sa Covid-19

-

LONDON (AFP) — Si Captain Tom Moore, 100, na nabihag ang mga pusong British sa isang Covid19 fund drive, ay naospital nitong Linggo sa virus, sinabi ng kanyang pamilya.

Lumikom si Moore ng milyun-milyong libra para sa kawanggawa sa pamamagita­n ng paglalakad sa paligid ng kanyang hardin at pagkatapos ay naging pinakamata­ndang lalaki na nangunguna sa UK music charts sa cover ng “You’ll Never Walk Alone”.

“Over the last few weeks he was being treated for pneumonia and last week tested positive for Covid-19,” sinabi ng anak na babae ni Moore na si Hannah Ingram-Moore sa Twitter.

“He was at home with us until today when he needed additional help with his breathing,” paliwanag niya, idinagdag na “he is being treated in a ward although he is not in ICU”, o isang intensive care unit. Ipinasok si Moore sa isang ospital sa Bedford, central England.

Sinipi ng BBC ang isang tagapagsal­ita para sa pamilya na nagsasabin­g hindi pa siya nabakunaha­n para sa virus dahil sa kanyang pneumonia.

Si Moore, na nagsilbi sa India noong World War II, ay nakalikom ng £33 milyon para sa mga tauhan ng state-run National Health Service (NHS) na nakikipagl­aban sa coronaviru­s outbreak.

Ang bahagi ay nalikom niya sa pamamagita­n ng pag-ikot ng kanyang hardin nang 100 beses nang naka-walker bago ang kanyang ika-100 kaarawan noong Abril 30, 2020, nang mabigyan siya ng honorary rank ng colonel. Pagkatapos ay inirekord niya ang “You’re Never Walk Alone”, na kilala bilang anthem ng Liverpool Football Club, na tumuntong sa number one sa charts.

Nitong Linggo, nag-tweet si British Prime Minister Boris Johnson: “You’ve inspired the whole nation, and I know we are all wishing you a full recovery.” Si Moore, kilala rin bilang “Captain Tom”, ay knighted ng Queen noong Hulyo at naging role model ng Britain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines