Balita

Prince William umalma vs racist abuse sa footballer­s

-

LONDON (AFP) — Tinawag ni Prince William ng Britain na kasuklam-suklam ang racist abuse na nakadirekt­a sa mga manlalaro ng football at sinabi na dapat na itong matigil matapos ang manlalaro ng Manchester United na si Marcus Rashford ay pinakabago­ng target.

Si William, pangulo ng Football Associatio­n, ay nagsalita nitong Linggo matapos na inakusahan ng Profession­al Footballer­s ‘Associatio­n ang mga kumpanya ng social media na kulang sa pagpayag na mapigil ang racist posts.

Ang defender ng Chelsea na si Reece James, Romaine Sawyers ng West Brom at mga ka-team ni Rashford na sina Axel Tuanzebe at Anthony Martial ay pawang nagdusa sa online racist na pang-aabuso sa nakaraang linggo.

Sunod na tinarget si Rashford pagkatapos ng 0-0 draw ng United sa Arsenal noong Sabado, na naguudyok sa isang pagsisiyas­at ng pulisya.

Nag-tweet si William na: “Racist abuse -- whether on the pitch, in the stands, or on social media -- is despicable and it must stop now.

“We all have a responsibi­lity to create an environmen­t where such abuse is not tolerated, and those who choose to spread hate and division are held accountabl­e for their actions. That responsibi­lity extends to the platforms where so much of this activity now takes place.”

Nanawagan ang PFA sa mga social network na ipakita na tunay silang nakatuon sa pagharap sa isang problema na sinabi nitong “at crisis point” sa loob ng dalawang taon. Sinabi ng Greater Manchester Police na maraming mga mapang-abusong komento na nakadirekt­a sa mga manlalaro ng United ang naiulat at masusi nilang iniimbesti­gahan ang mga krimeng ito.

Sinabi ni Rashford, high-profile campaigner laban sa child food poverty, na ang mga komento ay nagpapakit­a na “humanity and social media at its worst.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines