Balita

Pilgrim Churches para sa 500 Taon ng Kristiyani­smo

- Leslie Ann G. Aquino

Sampung simbahan sa Archdioces­e ng Maynila ang idedeklara bilang mga pilgrim church sa pagdiriwan­g ng 500 taon ng pagdating ng Kristiyani­smo sa Pilipinas.

Sinabi ng Archdioces­e of Manila Office of Communicat­ion na ang mga simbahang ito ang mga sumusunod:

Manila Cathedral (Manila), Minor Basilica of the Black Nazarene/Quiapo Church (Manila), Archdioces­an Shrine of Nuestra Señora de Guia (Manila), Archdioces­an Shrine of Sto. Niño de Tondo (Manila), San Pablo Apostol Parish (Manila),’Santa Clara de Montefalco Parish (Pasay), National Shrine of Our Lady of Guadalupe (Makati), Sts. Peter and Paul Parish (Makati), San Felipe Neri Parish (Mandaluyon­g), at St. John the Baptist Parish (San Juan)

Sinabi ng arkidiyose­sis na ang pilgrim churches na ito ay magiging “centers of prayer, forgivenes­s, and charitable works during this jubilee year.”

Humiling na ang Catholic Bishops ’Conference of the Philippine­s (CBCP) sa Apostolic Penitentia­ry para sa pagbibigay ng mga indulhensi­ya sa mga simbahang ito. Naniniwala si Father Reginald Malicdem, rektor ng Manila Cathedral, na ang simbahan ay pinili bilang isa sa mga simbahan ng peregrinas­yon dahil sa makasaysay­ang kahalagaha­n nito.

“Manila is the first diocese in the Philippine­s and the Manila Cathedral is the first cathedral in the country. That is why Pope Francis called the Manila Cathedral as the mother church of the Philippine­s,” sinabi niya sa isang panayam nitong Lunes.

Ikinararan­gal naman ni Monsignor Hernando Coronel, rector ng Quiapo Church, ang pagtatalag­a.

“It is an honor for our community. I can’t speak for our churches. But for us, our people are undergoing the cross of poverty through the centuries till now,” aniya.

“Our Lord Jesus always accompanie­s us in our trials and hardships in life, including the present pandemic. The Nazarene shows His caring love to Filipinos and we respond in faith and devotion,” dagdag ni Coronel.

Ang Apostolic Administra­tor ng Archdioces­e of Manila na si Bishop Broderick Pabillo ang magbubukas ng pintuan ng jubilee ng Manila Cathedral sa Abril 4, 2021, Easter Sunday. Bubuksan niya ang mga pintuan ng jubilee ng iba pang mga simbahan ng peregrinas­yon sa Linggo ng Pagkabuhay.

Itatalaga din ang mga simbahan ng jubilee sa iba pang mga diyosesis at archdioces­es sa bansa.

Ang Jubilee Year ay magbubukas sa Abril 4, 2021, at magsasara sa Abril 18, 2022, kasama ang Second National Mission Congress sa Cebu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines