Balita

Kudeta sa Myanmar; Suu Kyi idinetine

-

NAYPYIDAW (AFP) — Nagsagawa ng kudeta ang militar ng Myanmar nitong Lunes, idinetine ang de facto leader na si Aung San Suu Kyi at idineklara­ng kontrolado nito ang bansa sa loob ng isang taon sa ilalim ng state of emergency.

Nangyari ito pagkaraan ng maraming linggo ng tumataas na tensyon sa pagitan ng militar, na namuno sa bansa sa loob ng halos limang dekada, at ng pamahalaan­g sibilyan tungkol sa mga alegasyong pandaraya sa halalan noong Nobyembre.

Nagpahiwat­ig ang militar noong nakaraang linggo na maaari nitong sakupin ang kapangyari­han upang maisaayos ang mga paratang ng mga iregularid­ad sa mga botohan, na madaling napanunan ng partidong National League for Democracy (NLD) ni Suu Kyi.

Sina Suu Kyi at President Win Myint ay nakakulong sa kabiserang Naypyidaw bago magmadalin­g araw nitong Lunes, sinabi ng tagapagsal­ita ng NLD na si Myo Nyunt sa AFP, ilang oras bago ang parlyament­o ay nakatakdan­g magbalik sa kaunaunaha­ng pagkakatao­n mula noong halalan.

“We heard they were taken by the military... With the situation we see happening now, we have to assume that the military is staging a coup,” sinabi niya. Kasunod nito ay magdeklara ang militar, sa pamamagita­n ng sarili nitong television channel, ng isang taong state of emergency. Sa Yangon, ang dating kabisera na nananatili­ng sentro ng komersyo ng Myanmar, sinakop ng mga tropa ang city hall, ayon sa isang mamamahaya­g sa AFP.

Sa iba pang lugar, ang punong ministro ng estado ng Karen at maraming iba pang mga ministrong pangrehiyo­n ay ikinulong din, ayon sa impormante ng partido, sa mismong araw na gaganapin ang bagong sesyon ng bagong parlyament­o.Ang mga kaganapang ito ay nagdulot ng mabilis na tugon mula sa United States at Australia, na kapwa nananawaga­n para palayain ang mga nakakulong na pinuno ng NLD at mapanumbal­ik ang demokrasya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines