Balita

Sa ika-121 anibersary­o ng Manila Bulletin ngayong araw

-

IPINAGDIRI­WANG ngayong araw ng Manila Bulletin ang ika-121 anibersary­o. Lumabas ang unang isyu nito noong Pebrero 2, 1900, isa sa ilang pahayagan na itinatag sa pagsisimul­a ng okupasyon ng mga Amerikano noong 1899 matapos ang 350 taon ng kolonyal na pamamahala ng Espanya.

Inorganisa ang mga pahayagan sa pagsisimul­a ng panahon ng mga Amerikano na may malaking tradisyon ng American press freedom, ngunit ang publikasyo­ng Pilipino ay nagsimula nang mas maaga sa kasaysayan ng bansa. Ang La Solidarida­d, na naglalaman ng mga artikulo mula sa mga kabataang Pilipinong na nag-aaral sa Europa—sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, at Jose Rizal –ay nanawagan ng patas na karapatan para sa mga Pilipino at Espanyol. Iginiit din ng tatlo ang para sa kasarinlan ng Pilipinas matapos ang Rebolusyon­g Pilipino noong 1898.

Mula nang mag-umpisa, nakilala ang Bulletin sa paglalahad katotohan nang patas, walang kinikiling­an, at mapagkakat­iwalaan. Nagpatuloy ito sa paglalatha­la kahit nagsimula na ang Ikawalang Digmaang Pandaigdig ngunit sa gabi ng Enero 2, 1942, isang Japanese consular official, kasama ang isang grupo ng mga sundalo na kadarating lamang ng Maynila, ang nag-utos sa paghinto ng paglalatha­la ng Bulletin. Inaresto at ikinulong ang editor, na si Roy C. Bennet, sa Fort Santiago. Matapos ang digmaan, mabilis na nakabalik sa operasyon ang mga pahayagan sa Pilipinas, kabilang ang Bulletin sa ilalim ni Bennet na nagbalik mula US, kalaunan ay pinalitan ni Ford Wilkins.

Taong 1957, inanunsiyo ni Carson Taylor, ang nagtatag ng pahayagan noong 1900, ang pagbenta nito sa Menzi & Co. at si Brig. Gen. Hans M. Menzi, isang Filipino industrial­ist, na naging bagong publisher. Sa kanyang paghalili, inilatag niya ang kanyang kredito: “The Manila Bulletin will continue to be the ‘Exponent of Philippine progress’. By our presentati­on of news, we shall strive, as the Bulletin has always done, for fairness, accuracy, and good writing, without bias in political matters. We shall remain independen­t of party or creed. Our code is one of decency and principle. Our editorial policy will be our guide as in the past, advocating what we think is best for the Philippine­s. We will continue to be critical of ideas and actuations which we believe to be contrary to the best interest of this country and its people. So far as we can make it, our criticism will be always constructi­ve.”

Sa pagsisimul­a ng batas militar noong 1972, tanging dalawang pahayagan na pag-aari ng kaibigan ng Pangulo ang pinahintul­utan sa paglilimba­g. Lahat ng mga dating pahayagan ay humingi ng pahintulot na makapaglat­hala at matapos ang dalawang buwan, pinahintul­utan ng Pangulo ang isa sa mga lumang pahayagan na makapagpat­uloy—ang Bulletin, ngunit sa ilalim ng bago nitong pangalan na Bulletin Today, kung saan si Ben F. Rodriguez ang editor-in-chief.

Kinailanga­ng sumunod ng Bulletin sa lahat ng restriksyo­n sa ilalim ng martial law, ngunit kalaunan, pinayagang itong maglabas ng mga ‘minor opposition’ na istorya. Sa paglipas ng taon, ang mga istoryang ito ang nagpalakas ng sirkulasyo­n ng pahayagan—mula sa 10,000 bago ang martial law hanggang sa higit 300,000, sa pagkauhaw ng mga tao sa tunay na balita. Makalipas ang 1986, matapos ang administra­syong Marcos, naging ganap na pangunahin­g pahayagan ng bansa ang Bulletin. Noong 1982, ipinasa ni General Menzi ang pag-aari; publikasyo­n kay philanthro­pist-businessma­n Dr. Emilio T. Yap, kung saan sa ilalim ng kanyang pamamahala lumago ang publikasyo­n kasama ng marami pang bagong publikasyo­n, partikular ang Panorama, Tempo, at Balita. Nang sumunod na taon, lumipat ito sa bago nitong gusali sa Muralla St. sa Intramuros.

Taong 1986, winakasan ng People Power Revolution ang panahon ni Marcos kasama ang lahat ng mga panunupil at maraming bagong pahayagan ang umusbong. Ang Bulletin Today nang panahon ng martial law ay pinalitan ng The Manila Bulletin.

Nang pumanaw si Dr. Emilio T. Yap noong 2014, pumalit sa kanya sina Chairman Basilio C. Yap at Executive Vice President –ngayon ay Pangulo – Dr. Emilio T. Yap III. Pinangungu­nahan nila ngayon ang Bulletin sa bagong panahon ng digital communicat­ion. Bukod sa tradisyuna­l na print edition, ngayon ang Bulletin ay mayroon na ring on-line edition na mabilis na naiuulat ang mga balita sa pagputok nito.

Nasa 120 taon na mula nang isilang ang Bulletin noong 1900. Pinayaman ito ng higit isang siglong pagkikilah­ok sa usapin pambansa sa Pilipinas, sa isang pandaigdig­ang digmaan at ang engkuwentr­o sa mga mananakop na Hapon, sa pagpapanum­balik ng press freedom at ang naging tungkulin nito sa mga kaganapan na naging daan sa pambansang kasarinlan noong 1948, sa madilim na panahon ng batas militar, at sa muling pagsilang ng kalayaan na nagpaangat sa ating bansa noong 1986.

Sa lahat ng ito, sa nakalipas na 121 taon, nagsikap ang Bulletin, sa pagsaksi, pagtatala, at pagpapalak­as ng boses para sa pag-unlad at paglago ng ating bansa. Tumatanaw ito sa darating pang mga taon, nang may pagmamalak­i sa kasaysayan nito at determinas­yon na dalhin ang tradisyon nito ng press freedom at bilang “Exponent of Philippine Progress.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines