Balita

Isang taon matapos maitala ang unang kaso

- Mario Casayuran

HANGAD ng mga Pilipino na makaahon mula sa mapaminsal­ang epekto ng 2019 coronaviru­s disease (COVID-19) na nagpabagsa­k ng ekonomiya at kumitil sa maraming buhay.

Ito ang binigyang-diin ni opposition Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa kanyang pag-alala na noong Enero 25, 2020, isang 39-anyos na turistang Chinese ang nagpakita ng sintomas ng ubo at pananakit ng lalamunan at dinala sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Limang araw matapos ang tests, kinilala ang babae bilang unang kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Pangilinan, Pilipinas ang nagpatupad ng pinakamaha­bang lockdown, pagsasara ng mga negosyo, pagbaba ng ekonomiya at lumalalang kawalan ng trabaho at kagutuman.

Nagresulta ito sa paglobo ng COVID-19 pandemic debt ng Pilipinas, sa lampas P10 trillion hanggang noong Oktubre 2020 at inaasahang patuloy pang tataas sa patuloy na pananalasa ng pandemya.

“Isang taon na ang Covid dito sa Pinas. At sa ulat ng DOH (Department of Health), mahigit 2,000 bagong kaso ng Covid ang naitala noong Sabado, first year anniversar­y ng kauna-unahang Covid sa bansa,” ani Pangilinan.

“At ayon sa isang think-tank, isa ang Pilipinas sa pinakakule­lat sa tamang pagtugon sa pandemya,” dagdag pa niya.

Nadagdagan pa ng 2,103 tao ang nahawa ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya umabot na sa 525,618 ang kabuuang bilang ng impeksyon hanggang nitong Linggo, ayon sa Department of Health.

Samantala, binigyan ng Sydney-based Lowy Institute ang Pilipinas ng iskor na ‘poor’ sa anti-Covid response, na nasa ika-79 ranggo sa 98 bansa. Ibinase ang iskor nito sa

confirmed cases per million people, confirmed deaths per million people, confirmed cases bilang proportion ng tests, at tests per thousand people.

Hindi naman kasama sa listahan ng Lowy ang China, kung saan naitala ang unang kaso noong Disyembre 2019, dahil sa kakulangan ng publicly available data.

Sinabi ni Pangilinan, isa sa mga unang nanawagan para sa preemptive ban ng mga biyahero mula China noong 2020, na travelers from China in 2020, na ang mababang performanc­e sa COVID -19 control at management ng bansa ay matinding nakaapekto sa ekonomiya.

“Ang bagsak nating ekonomiya ang resulta ng malabo at magulong pagtugon sa COVID,” aniya.

Sa analisis nito, sinabi ng Lowy na ilan sa mga salik na nagiging daan para sa maayos na pagrespond­e ay maliit na populasyon, nag-uugnay na lipunan at maaasahang mga institusyo­n.

“Sa mga kapitbahay natin, Taiwan at Vietnam ang pinakamahu­husay sa paglaban sa COVID. Hindi sila naghintay ng bakuna, maagap sila sa pagsugpo sa sakit,” giit pa ni Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines