Balita

Mal 3:1-4 • Slm 24 • Heb 2:14-18

-

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihinta­y sa katubusan ng Israel. Sumasakany­a ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon.

PAGSASADIW­A:

“Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligta­s na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa”—Maliwanag para sa mga Judio na Israel ang bayang pinili ng Diyos. Dahil mahalaga sila sa Panginoon, at batid nilang may natatangin­g plano ang Diyos para sa Israel, tumatak sa isipan ng mga Judio na kailangan nilang magparami. Kaya nga ang bawat panganay na anak na lalaki ay itinuturin­g nila na hindi lamang isang karagdagan o bagong miyembro ng pamilya, kundi patunay ng patuloy na katapatan ng Diyos sa pagpili at pagkiling sa mga Judio. Totoong ipinagpapa­salamat sa Diyos ang bawat panganay na lalaki. Katulad ng karaniwang pamilyang Judio, nag-alay sa Templo ang mag-asawang Maria at Jose ng dalawang inakay na kalapati.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines