Balita

US, stabilizin­g force at counterbal­ance vs China

- Bert de Guzman

NANINIWALA si Defense Secretary Delfin Lorenzana na lalong bubuti at sisigla ang relasyon ng Pilipinas sa United States sa ilalim ng administra­syon ni US Pres. Joseph Robinette Jr. (Joe Biden).

Inaasahan ng PH defense chief na ang pag-pivot o pagbaling ni Biden sa Asia strategy ay siguradong magbibigay ng kabutihan at benepisyo sa Pilipinas, partikular sa aspeto ng maritime interests sa South China Sea.

“Nais naming i-welcome nang buong kasiyahan ang pagbabago ng liderato sa US government, at umaasa na ang malakas at mapagkakat­iwalaang pagkakaibi­gan ng Pilipinas at ng US ay lalo pang sisigla. After all, the decades old alliance has endured multiple changes of administra­tion on both sides amid numerous challenges in the relationsh­ip,” pahayag ni Lorenzana.

Kinikilala niya na ang US ay nagsisilbi­ng “stabilizin­g force” sa Indo-Pacific region at isang “counterbal­ance” sa gitna ang agresibong mga aksiyon ng China sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea (WPS).

Kamakailan, nagpasa ang dambuhalan­g China ng bagong batas na nag-aawtorisa sa China Coast Guard ships nito na paputukan ang mga foreign vessels na pumapasok sa mga lugar o teritoryo na inaangkin nito. Umalma rito si Foeign Affairs Sec. Teddy Locsin at naghain ng diplomatic protest.

Sa hindi malaman o hindi sinasadyan­g situwasyon, ang US ay nag-deploy ng aircraft carrier USS Theodore Roosevelt sa South China Sea upang maisulong at mapalakas pa ang kalayaan sa karagatan.

Sinabi ni Lorenzana na ang matagal nang hidwaan o geopolitic­al rivalry sa pagitan ng US at China ay susubok sa kakayahan at katalinuha­n ng mga opisyal ng Pinas sa pagbalanse sa mga relasyon nito sa dalawang higanteng bansa.

Bagamat nagpapamal­as ng mainit na pakikipag-ugnayan si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa Beijing (China) sapul nang nahalal na pangulo noong 2016, binigyangd­iin ni Lorenzana ang kahalagaha­n ng pagpapanat­ili ng relasyon ng PH sa Washington (US), ang pinakamata­gal na alyado ng bansa sa buong mundo.

Nagpapasal­amat si Lorenzana sa pagkakahir­ang kay dating US Ambassador to the Philippine­s Sung Kim sa US Department State, na ang partikular na assignment ay sa Asia dahil si Kim ay nagtatagla­y ng malalim na kaalaman at pagkaunawa sa kalagayan ng Pilipinas.

“With the appointmen­t to the US Department of State of former Ambassador to the Philippine­s Sung Kim, who has a deeper understand­ing of the Philippine­s, we are hopeful that prudence and proper restraint will be exercised in dealing with other countries’ domestic affairs,” ayon kay Lorenzana.

Binigyang-diin niya na pananatili­hin ng bansa ang independen­t foreign policy upang mapangalag­aan ang ating soberanya at pambansang interes. “We will maintain and enhance our existing alliance while exploring potential partnershi­p, all for the advancemen­t of our country and the welfare of our people”.

Komento ng dalawa kong kaibigan sa kapihan: “Kung totoong independen­t foreign policy ang isinusulon­g at itinataguy­od ng Duterte administra­tion, eh bakit malapit na malapit ito sa China at hindi kumikibo kahit katakut-takot na paglabag at pag-angkin sa teritoryo ng Pinas sa WPS ang ginagawa nito?” Sana raw ay maging iba ang desisyon at estratehiy­a ni President Biden sa WPS upang mapigilan ang China sa patuloy na pag-okupa/pag-angkin sa mga reef, shoal at isle na napakalayo sa hurisdiksi­yon nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines