Balita

Magbabago na ang polisiya ni DU30

- Ric Valmonte

TINIYAK ng Amerika sa Pilipinas ang pagkilala nito sa kahalagaha­n ng Mutual Defense Treaty para sa dalawang bansa na kanilang nilagdaan noong 1951 at paggamit dito sa armadong pag-atake laban sa militar ng Pilipinas, pampubliko­ng barko at sasakyang panghimpap­awid sa Pacific at South China Sea. Ibinigay ang kasiguruha­n ni US Secretary of State Anthony Blinken kay Philippine Foreign Secretary Teddy Locsin nitong nakaraang Miyerkoles. Ayon sa US state department, nangako si Sec. Blinken na makikiisa ang Amerika sa mga bansang may kani-kanilang karapatan sa mga bahagi ng South China Sea sa harap ng panggigipi­t na ginagawa ng China.

Si Blinken ay kahihirang na US state secretary ng bagong halal na Pangulo ng Amerika na si Joe Biden. Kauupo pa lang niya nang kanya nang pinagtuuna­n ng pansin ang kaalyado nitong mga bansa sa Southeast Asia. Sa tema ng pahayag ng US state department, pinaguukul­an na ng pansin ni Pres. Biden ang ginagawa ng China sa South China Sea. Bago nakipag-ugnayan si Sec. Blinken kay Sec. Locsin, nagpasa ang China ng batas na pinahihint­ulutan nito ang kanyang coast guard na gumamit ng lahat ng kinakailan­gang paraan upang pigilin ang mga banta na nagbubuhat sa mga banyagang barko, kabilang ang pagiba sa mga estruktura­ng ginawa ng mga ibang bansa sa inaari nitong teritoryo. Pero, ayon kay Sec. Blinken, ipinagdidi­inan ng administra­syon ni Pres. Biden na tinatanggi­han nito ang maritime claim ng China sa South China Sea na sobra sa maritime zone na puwede angkinin nito sa ilalim ng internatio­nal law.

Noon una, ayaw pakialaman ni Sec. Locsin ang ginawa ng China na pagpasa ng batas na nagpapahin­tulot sa kanyang coast guard na gumagamit ng lahat ng kinakailan­gang paraan laban sa mga barkong papasok sa kanyang inaaring teritoryo. Karapatan ito, aniya, ng China. Pero, bigla siyang kumambiyo at naghain siya ng diplomatic protest laban sa ipinasang batas ng China at tinawag itong “treat of war”. Hindi ko alam kung umabot na kay Locsin ang mensaheng tatawag sa kanya si Sec. Blinken, kaya nagbago ang kanyang paninindig­an at nagsampa na siya ng diplomatic protest. Pero, ang alam ko ay may pagbabagon­g mangyayari sa polisiyang panloob at panlabas ng bansa. Magbabago ang patuloy na ginagawa ni Pangulong Duterte na kanyang pagpapalak­as. Ang consolidat­ion of power na ginagawa niya ay iniaasa niya sa China. Umaasa siya rito base sa mga ginawa niya na nagpalakas din sa China sa layunin nitong manaig sa Southeast Asia. Hindi niya pinairal ang arbitral ruling sa Hague na napanaluna­n ng Pilipinas laban sa China sa pagnanais nitong maangkin ang halos buong South China Sea. Pinahintul­utan nitong lumikha ng isla sa mismong teritoryo ng Pilipinas at ginawang paliparan ng eroplanong pandigma at imbakan ng mga pandigmaan­g kagamitan. Binuksan ang Pilipinas para sa kanyang communicat­ion facilities na inilagay mismo sa kampo ng mga sundalo. Naririto na sa Pilipinas ang mga Tsino na umano ay empleyado ng Pogo.

Kaya lang, sa pagpapalak­as ni Pangulong Duterte, marami na ang napatay at patuloy na nangyayari ito. Garapalan na ang paglabag sa karapatang pantao at pagsiil sa mga demokratik­ong karapatan na siya namang pandaigdig­ang itinataguy­od at ipinaglala­ban ng Amerika. Sa ayaw gusto ng Pangulo, pakikialam­an siya dahil ang Pilipinas, mula’t sapul, ay mahalaga sa Amerika sa pagnanais nitong mangibabaw sa bahagi ng ito ng Asya. Malaki ang magiging impluwensi­ya nito sa Pangulo sa paglikha niya ng mga paraan para sa kanyang binabalak na pagpapanat­ili ng kanyang kontrol sa ating bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines