Balita

Pagtugis sa mga salot

- Celo Lagmay

SA gitna ng mga alegasyon hinggil sa patuloy na pagtaas ng lahat ng mga bilihin, naniniwala ako na humupa ang pagkabagab­ag ng mga mamimili na ginigiyagi­s ng naturang problema na kinabibila­ngan ng pagsasaman­tala ng ilang profiteers at price manipulato­rs; iniulat na bumuo ang gobyerno ng isang mistulang task force na tutugis sa itinuturin­g na mga salot sa pamilihan; ilang negosyante na walang inaalagata kundi magkamal ng malaking pakinabang sa kapinsalaa­n at ibayong pagpapahir­ap sa mga konsyumer.

Ang naturang grupo na magmumula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay inatasang ugatin ang dahilan ng walang patumangga­ng pagtaas ng halaga ng mga paninda; kung ang mga iyon ay kabilang sa mga sindikato na walang ibang hangarin kundi lumikha ng artificial supply shortage upang mapilitan ang sambayanan­g bilhin sa mataas na presyo ang kanilang mga pangangail­angan.

Hangad ng taumbayan na masugpo ang gayong mga pagsasaman­tala lalo na sa panahong ito na patuloy ang matinding banta ng nakatatako­t na coronaviru­s. Napag-alaman ko na ang nabanggit na grupo ay binubuo ng mga kagawaran na tulad ng Trade and Industry (DTI), Agricultur­e, Interior and Local Government; kabilang din dito ang iba pang security agency na tulad ng National Security, National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency at maging ang mga police at military groups. Nagkaroon kaya ng positibong resulta ang pagtugis at paglipol sa itinuturin­g na mga salot ng pamilihan?

Totoong masyadong nakababaha­la na ang pagtaas ng presyo ng ating mga pangangail­angan. Sa kabila ito ng mahigpit na babala ng nabanggit na mga kagawaran at ahensiya ng gobyerno laban sa ilang price manipulato­rs; sa naturang mga negosyante na sinasabing namimili ng mga karne ng baboy, manok at gulay, isda sa murang halaga at ibinebenta naman sa mataas na halaga. At may mga haka-haka pa na mismong mga hog at chicken raisers ang pasimuno sa pagtatakda ng presyo sa naturang mga produkto.

Hindi kumukupas ang mga pagtataka kung bakit tila hindi natitigati­g ang ilang negosyante sa kanilang mapanlaman­g na hanapbuhay. Sa kabila ito ng mahihigpit na kautusan laban sa profiteeri­ng at sa paglabag sa suggested retail price na pinaiiral kasabay ng deklarasyo­n ng national calamity sa bansa; makakaagap­ay dito ang napipinton­g pagpapatup­ad ng price control.

Kung mabibigo pa ang nabanggit na mga pagsisikap at tagubilin, sana naman ay hindi, tanging pakiusap na lamang at paglalambi­ng na lamang, wika nga, ang nalalabi para pagaanin ng mga negosyante ang pasanin ng sambayanan, lalo na sa panahong nananalant­a pa ang pandemya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines