Balita

Wizards, lusot sa Nets

-

WASHINGTON (AP) — Naisalpak nina Bradley Beal at Russell Westbrook ang 3-pointers sa loob ng 3.8 segundo sa krusyal na sandali para sandigan ang Washington Wizards laban sa Kevin Durant-led Brooklyn Nets, 149-146, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kumana si Westbrook ng 41 puntos, 10 rebounds at walong assists, habang tumipa ang NBA season scoring leader na si Beal ng 37 puntos. Nanguna sa Nets si Durant na may 37 puntos.

Naghahabol ang Washington sa 146-141 ng maisalpak ni Beal ang 3-pointer may 8.1 segundo ang nalalabi. Sa sumundo na play, naagaw ni Garrison Matthews ang inbound pass ni Joe Harris at kaagad na naipasa ang bola kay Westbrook na kumonekta sa 3-point para maagaw ang bentahe sa 147-146 may 4.3 segundo ang nalalabi.

May pagkakatao­n pa ang Nets na agawin ang panalo subalit sumablay ang undergoal shot ni Timothe Luwawu-Carbarrot mula sa pasa ni Kyrie Irving. Senelyuhan ni Beal ang panalo sa dalawang free throws at tuldukan ang four-game losing skid ng Wizards na nananatili sa ilalim ng standings (4-12).

RAPTORS 115, MAGIC 102

Sa Tampa, Florida, ginapi ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni Pascal Siakam na may 30 puntos at 10 rebounds, ang Orlando Magic.

Nag-ambag si Kyle Lowry ng 12 puntos at 14 assists, habang kumana si Aaron Baynes ng walong puntos at 16 rebounds sa Raptors, natuldukan ang three-game losing streak.

NUGGETS 128, JAZZ 117

Sa Denver, napantayan ni Nikola Jokic ang career high 47 puntos sa malaking panalo ng Nuggets kontra Utah Jazz, naputol ang 11-game winning streak.

Kumana rin sina Will Barton na may 18 puntos at Jamal Murray na may 16 puntos.

CLIPPERS 129, KNICKS 115

Sa New York, dismayado ang home fans nang pabagsakin ng bisitang Los Angeles Lakers ang host Knicks.

Kumubra si Kawhi Leonard ng 28 puntos.

 ??  ?? SUPALPAL kay Brooklyn Nets forward Kevin Durant (kaliwa) ang tirada ni Washington Wizards center Moritz Wagner sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo (Lunes sa Manila). Nagwagi ang Wizards.
SUPALPAL kay Brooklyn Nets forward Kevin Durant (kaliwa) ang tirada ni Washington Wizards center Moritz Wagner sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo (Lunes sa Manila). Nagwagi ang Wizards.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines