Balita

Barbie, bagong biktima ng fake nude photo

- Ni NITZ MIRALLES

SI Barbie Imperial ang sumunod kina Sue Ramirez at Maris Racal na naging biktima nang pagbaviral ng edited niyang photo na hubo’t hubad. Pinost ni Barbie ang original photo niya na suot ang two-piece swimsuit at ang edited photo na hubo’t hubad na siya.

Post ni Barbie: “Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman, You really think I’ll post a photo like this? Sa lahat ng nagse-share nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG.

Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po, dahil nakakagigi­l talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak? Itigil nyo na, wala kayong ambag.”

Isa sa nag-comment ay si Sunshine Cruz na ang sabi, “Grabe” at si Ara Mina na “Ano ba yan sila.” Sabi naman ni Sue, “Yakap, Bie.”

May reaction din si Teresa Loyzaga, ang mother ni Diego Loyzaga na boyfriend ni Barbie, “Grabe yang mga bastos na nagpopost ng edited nudes! Voice out but don’t let it get the better of you hija. They are scum of the earth!”

May nagpayo kay Barbie na magsumbong sa NBI Cybercrime para ma-trace kung sino ang nasa likod nang pagkalat ng edited photo niya para hindi na masundan pa

ng ibang biktima. Wala pang sinasabi si Barbie tungkol dito kung magrerekla­mo nga ba siya sa NBI.

Hinihintay din ng fans kung maglalabas ng official statement ang Star Magic sa kaso ni Barbie, gaya nang ginawang pagpapalab­as ng official statement sa kaso nina Sue at Maris.

 ??  ??
 ??  ?? Barbie
Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines