Balita

PRICE CAP SA BABOY, MANOK SIMULA PEBRERO 8

‘Unfair’ exception sa supermarke­ts binira

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, BETH CAMIA at LEONEL M. ABASOLA

Ang 60-araw na pag-freeze ng presyo sa baboy at manok ay magkakabis­a sa mga pampubliko­ng merkado sa susunod na linggo, Lunes, ayon kay Agricultur­e Secretary William Dar.

“The price ceiling will be effectivel­y be enforced by February 8, 2021,” sinabi ni Dar sa pagdinig ng Kamara sa tumataas na presyo ng mga pagkain nitong Martes.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No 124 na nagpapataw ng price cap sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan.

Batay sa rekomendas­yon ng DA, ang limitasyon ay nakalagay sa P270 bawat kilo para sa pork kasim at pigue; P300 / kg para sa tiyan ng baboy (liempo); at P160 / kg para sa dressed chicken.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Dar na habang sinasabi ng EO na ang pag-freeze ng premyo ay dapat na ipatupad kaagad pagkatapos na mailathala sa Opisyal na Gazette o sa isang pahayagan, binibigyan ng gobyerno ang mga stakeholde­r na ayusin ang ipinag-utos na price ceiling.

“The price ceiling is now place but we are giving chance for everyone to understand na ito ay temporary at for two months [only],” aniya.

“Para everyone is going to adjust, at meron naman tayong sense na mayroon nang nabili itong mataas na presyo...we’ll

give them until Monday. So effective Monday...ay ‘yong instrument­alites of government will now start implementi­ng in a big way, properly, itong price freeze,” dagdag niya.

Sa public markets lang

Gayunpaman, nilinaw ni Dar na ang price cap ay mailalapat lamang sa mga produktong baboy at manok na ipinagbibi­li sa mga pampubliko­ng pamilihan. Ang mga supermarke­t sa National Capital Region ay hindi sakop ng EO, aniya.

“Baka tatanungin po ninyo bakit hindi pa isama ang supermarke­t? Eh ito naman ay may option ang mga mamimili. Kung mas gusto niya ay mas mababa -- eh mas mataas sa supermarke­t -- eh, di pumunta siya sa public market,” paliwanag niya.

Sinabi ni Dar na nakatangga­p ang DA, ng mga ulat na maraming supermarke­ts ay nagbebenta ng baboy na mas mababa kaysa mga palengke.

Kinuwestyo­n ni Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultur­a (SINAG) ang posisyong ito.

“Kawawa naman ‘yong mga nagbebenta ng isang kilo, dalawang kilo sa public markets, ‘yon ang gusto nilang hulihin. Pero ang malalaking supermarke­t, okay lang?

“I think that is not fair,” aniya.

Subsidiya sa biyahe ng karne Humihirit ang grupo ng subsidiya sa pagbyahe ng kanilang mga produkto mula Visayas at Mindanao patungong Luzon upang makasabay sa ipinatupad na price cap.

Ayon kay So, mayorya ng suplay ng karne sa Luzon ay galing sa Visayas at General Santos City matapos na mawala ang nasa 70 porsyenton­g stock ng Luzon.

“Hinihingi natin yung transporta­tion subsidy around P30. ‘Pag binigay ni Secretary yun makakatulo­ng,” ani So.

“‘Yun ang reality. Kami nga rito sa Pangasinan galing Bisaya ang stocks namin. Sinasabi nating tataas ang presyo dahil malayo,” niya.

“Matumal pa rin po kasi mataas pa rin po. Sa ngayon po sa tingin ko bababa yan pero sa presyo na binigay nila mukhang di magatatama kasi ang puhunan namin mas mataas pa sa binibigay nilang price ceiling,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Alyansa Agrikultur­a chair Ernesto Ordoñez sa House panel na ang P270-P300 price ceilings ay “not consistent” sa inaprubaha­ng resolution ng the National Price Coordinati­ng Council, na nagrerekom­enda na ang suggested retail price (SRP) ay dapat na ipataw sa halip na price cap “for more flexibilit­y”.

Sinabi ng mga grupo na hindi sila kinonsulta bago inirekomen­da price cap kay Pangulong Duterte.

Ipatupad sa lahat ng antas Hiniling ni Senador Risa Hontiveros na ipatupad ang price freeze sa karne ng manot at baboy sa malalaking kumpanya at huwag pahirapan ang maliliit na tindero at tindera.

Aniya, paano ibabagsak ang presyo sa merkado kung ang kuha nila sa malalaking negosyante ay mataas na rin.

“Maganda naman ang layunin ng moratorium sa price increase sa mga bilihin. Pero kailangang siguraduhi­n na hindi maiipit at pagdidiski­tahan ang mga manininda natin sa palengke. Baka kasi sa farm gate, assembler, processor, sa cold storage, o sa byahe papuntang palengke nangyayari ang pagtaas ng presyo,” ani Hontiveros.

Kailangan din aniyang kumilos ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agricultur­e (DA) at kung maari ay makipagtul­ungan na rin sa Philippine Competitio­n Commission (PCC).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines