Balita

Maniwala kayo sa amin — Duterte

- Argyll Cyrus B. Geducos

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na panatilihi­n ang kanilang paniniwala sa gobyerno sa gitna ng iba`t ibang mga ulat tungkol sa sitwasyon ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa Pilipinas, partikular ang pagsisikap na kumuha ng mga bakuna laban sa nakamamata­y na sakit.

Sakanyangl­ingguhangp­ampublikon­g pahayag na ipinalabas nitong Lunes ng gabi, muling sinabi ni Pangulong Duterte na ang COVID-19 ay hindi isang harang na madaling hakbangan - lalo na para sa isang bansang tulad ng Pilipinas na hindi mayaman.

“Ang greatest disadvanta­ge natin is hindi tayo mayaman at ito labanan ito ngayon sa highest bidder nga,” sinabi niya.

“Yung makabayad ng una, magdeposit­o na, tapos lalo na kung ‘yung bansa na ‘yon ang humihingi ng supply ng vaccine is the country where the factory is located -- tawagin natin factory -- nandiyan, nauuna talaga sa kanila,” dagdag niya.

Ang mga pagsisikap ng gobyerno na kumuha ng mga bakuna sa COVID-19 ay minsang kinuwestyo­n dahil sa hindi pagbubunya­g ng tunay na mga presyo ng mga bakuna.

Sa kanyang pampubliko­ng pahayag, hiniling ni Pangulong Duterte na huwag maging gullible at madaling maniwala sa mga paratang ng katiwalian.

“Ang hingiin ko lang sana, patapusin mo lang ninyo lang kami. If there is a liability in one, there will be a liability in all,” aniya.

“Do not be so gullible na basta maniwala kayo, talk about corruption left and right. It starts with a big bang and ends with a whimper. Wala naman napakulong ‘yang mga ‘yan,” dagdag niya.

Sa kabila ng mga pag-aalinlanga­n, tiniyak ni Duterte sa publiko na tatapusin ng kanyang gobyerno ang trabaho.

“I said, you have a choice, maniwala kayo sa kanila o maniwala kayo sa amin. Kung maniwala kayo sa kanila, go ahead,” aniya.

“At the end of the day, you will see that everything has been done in accordance with rule of law,” dagdag niya.

Nitong Lunes, sinabi ng Malacañang na ang Pilipinas ay nakatakdan­g makatangga­p ng humigit-kumulang 250,000 dosis ng mga bakuna sa COVID-19 mula sa COVAX Facility at mula sa Sinovac ng China.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines