Balita

Snowstorm sa US east coast; NY nag-state of emergency

-

NEW YORK (AFP) — Isang malaking bagyo ng niyebe ang nagdala ng kaguluhan sa silangang baybayin ng United States noong Lunes, nakansela ang libu-libong mga flight, nagsasara ang mga paaralan at nagpwersa na ipagpaliba­n ang mga pagbabakun­a sa coronaviru­s habang ang New York ay tinambakan ng halos dalawang talampakan (60 sentimetos) ng niyebe.

Naglabas ang National Weather Service (NWS) ng babala ng bagyo mula Virginia hanggang Maine habang bumabagsak amg mabigat na niyebe na may halong -

pagbugsong hangin hanggang sa 80 kilometrob­bawat oras ay nag-udyok ng mga malabagyo na kondisyon sa eastern seaboard.

Nagdeklara ang New York ng “state of emergency” na pinaghigpi­tan ang hindi kinakailan­gang paglalakba­y, inilipat ang lahat ng mga bata sa remote learning at itinakda ulit ang pinakahihi­ntay na mga pagbabakun­a habang ang lungsod ay nag-ayos para sa posibleng isa sa pinakamabi­gat na snowfalls sa kasaysayan nito.

Ang mga salt trucks at snow plow ay lumipat sa mga kalye ng New York, na mas tahimik kaysa sa dati dahil sa Covid-19, habang ng inihayag ni Mayor Bill de Blasio na ang ilang mga bata na bumalik sa pandemic-era na mga silid-aralan ay mananatili sa bahay nitong Martes.

Mahigit sa 1,500 mga flight sa US ang nakansela - karamihan sa mga paliparan sa New York, Boston, Philadelph­ia at Washington.

Kinansela ng La Guardia Airport ang 90 porsyento ng mga flight, habang ang JFK at Newark na mga paliparan ay parehong inihinto ang 70 porsyento ng mga flight.

“If we get above 20 inches, it should rank somewhere near the top 10 snowiest events for New York City,” sinabi ni Matthew Wunsch, National Weather Service forecaster sa AFP.

Ang matinding pag-ulan ng niyebe ay tinataya din para sa New Jersey, Philadelph­ia at Connecticu­t.

Nag-isyu ang New Jersey ng state of emergency.

“There’s a high potential for power outages due to heavy snow and high winds. Charge your devices, and if you experience a power outage –- report it immediatel­y,” payo ni Governor Phil Murphy.

Nagdeklara din ang Philadelph­ia ng snow emergency, pagsasara ng mga gusali ng pamahalaan­g lungsod para sa Lunes at inatasan ang mga residente na ilipat ang kanilang mga sasakyan na nasa emergency routes upang makalusot ang mga araro.

Ang bagyo ay tumama sa mga bulubunduk­ing bahagi ng California ng higit sa anim na talampakan ng niyebe at malakas na ulan noong nakaraang linggo.

Pagkatapos ay lumipat ito sa Midwest, na nagtatapon ng halos walong pulgada ng niyebe sa Chicago, ayon sa NWS.

 ??  ?? Snowstorm sa Times Square sa New York nitong Pebrero 1, 2021
Snowstorm sa Times Square sa New York nitong Pebrero 1, 2021

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines