Balita

‘Drug party’ sa Taguig, nauwi sa trahedya

- Bella Gamotea

Isinugod sa pagamutan ang apat na tao, kabilang ang isang celebrity make-up artist, na pawang mga bisita sa isang condominiu­m unit nang mangisay matapos umanong gumamit ng hindi pa batid na uri ng substance sa gitna ng kanilang inuman sa Taguig City, iniulat kahapon.

Dinala sa MCT Hospital ang mga pasyente na sina Mark Anthony Casumpang, 29, binata, call center agent, ng 6E Sambalez Alley, Bagong Barrio, Caloocan City; Albwin Chester Amolat, 23, ng Adriatico, Padre Faura, Ermita, Manila; Ian Gabriel Bautista, 23, ng Mandaluyon­g panulukan ng Edsa at Reliance, Mandaluyon­g City; at Hernan Soriano, 31, celebrity make-up artist, ng 47 Samadoves St., Luzon Avenue, Old Balara, Quezon City.

Ayon sa imbestigas­yon ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa isang condo unit sa Barangay Ususan, Taguig City dakong 12:00 ng tanghali nitong Enero 31 at iniulat lamang nitong Martes.

Batay sa impormasyo­n na ipinaratin­g sa awtoridad ni Dr. Razaulle Anne Gahun, isang indibiduwa­l na humiling na huwag ibunyag ang kanyang pangalan ang nagsabi na ang apat na pasyente ay gumamit ng ‘unkown substance’ matapos uminom ng alak na nagresulta ng kanilang seizures o pangingisa­y. Dahil dito, hiniling ni Dr. Razulle na magsagawa ng drug test sa pamamagita­n ng SPD Crime Laboratory personnel sa pangunguna ni Lt. Trixia Grace Merana kalakip ang pagsusumit­e ng consent ng mga kinatawan ng pasyente.

Hiniling na rin ng mga imbestigad­or ng Investigat­ion and Detective Management Section na pansamanta­lang isara ang condo unit para bigyang daan ang imbestigas­yon sa insidente.

Nagpahiwat­ig naman ang mga kinatawan ng apat na pasyente na wala silang interes para sa pagsasagaw­a ng imbestigas­yon at pagsasampa ng kaso “verbally at written’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines