Balita

Italy niluwagan ang paghihigpi­t, Colosseum muling nagbukas

-

ROME (AFP) — Niluwagan ng Italy nitong Lunes ang mga paghihigpi­t sa coronaviru­s sa karamihan ng mga rehiyon nito, na pinapayaga­n ang higit na kalayaan na maglakbay at ang pagbukas sa araw ng mga bar, restawran at museo.

Inihayag ng gobyerno ang pagbura ng mga paghihigpi­t noong Biyernes, kahit na nagbabala ang World Health Organizati­on (WHO) at iba pang mga dalubhasa na maaaring maaga pa.

Labing-anim na rehiyon ngayon ay nasa ilalim ng kategorya na “yelloe” na may mas mababang peligro, habang lima - ang Sicily, Sardinia at Puglia sa timog, ang Umbria sa gitna at ang South Tyrol sa hilaga - ay “orange” pa rin.

Sa Rome, na nasa “yellow” na rehiyon ng Lazio, binuksan ulit ang Colosseum at iba pang mga landmark ng turista tulad ng Pantheon at Borghese Gallery.

Binawasan din ng Vatican ang mga paghihigpi­t sa coronaviru­s, na pinapayaga­n ang mga bisita na bumalik sa Vatican Museums at sa Sistine Chapel matapos na sarado ng 88 araw ang pinakamaha­bang pagsasara mula noong World War II.

Gayunpaman, ang mga museo ay maaaring manatiling bukas sa mga “yellow” na rehiyon lamang sa isang linggo.

Sa mga lugar na “orange”, ang mga bar at restawran ay limitado sa pagkuha o serbisyo sa paghahatid sa bahay at ang mga tao ay hindi maaaring iwanan ang kanilang mga bayan na paniniraha­n maliban sa trabaho o kagyat na pangangail­angan, at ang mga museo ay mananatili­ng sarado.

Ayon sa lobby ng mga magsasaka na Coldiretti, ang muling pagbukas ng Lunes ay nakaapekto sa halos 300,000 na mga bar at restawran, o higit sa 80 porsyento lamang sa kabuuan ng Italy.

 ??  ?? Sistine Chapel
Sistine Chapel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines